GABAY NG DIYOS

Price hike guwardyado

(Armida Rico)

 

Nagbanta kahapon si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Peter Favila na kanilang ipaku­kulong ang mga negos­yanteng mapapatunayang magsasamantala ngayong panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo ng kanilang paninda.


Ayon sa kalihim, papatawan nila ng pinakama­bigat na parusang pagkakulong ang mga mapagsamantalang negosyante na walang iniisip kundi ang kumita nang malaki sa pamamagitan ng pagtataas ng halaga ng kanilang mga ibinebentang produkto.


Sinabi ni Favila na sa ganitong panahon ng kalamidad, ang dapat isi­pin ng bawat isa -- lalo na ang mga mayayamang negosyante -- ay ang makatulong sa kapwa, partikular sa mga nasasalanta ng bagyo sa halip na pagsamantalahan at pagkakaroon ng malaking kita.


Agad ding inatasan ni Favila si Undersec. Zenaida Maglaya na bumuo ng inspection team na magsasagawa ng pag-iinspeksyon sa mga pamilihan, supermarket at mga retail outlet sa buong kapuluan upang matiyak na walang magsasamantala sa presyo ng mga bilihin.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section