Hanggang sa ngayon ay hindi pa makarekober
itong isang kontrobersyal na presidential appointee sa masaklap
na sinapit ng kanyang personal na buhay, dahil hanggang sa
ngayon ay ito pa rin ang bukambibig niya sa tuwing may
pupuntahang okasyon, kahit na wala ito sa lugar at hindi
naman itinatanong sa kanya.
Bulong kay Mang Teban, kahit sa isang opisyal na pulong
ng political party na kinasasaniban nito ay hindi napigilan
ni opisyal ang magkusang magkuwento hinggil sa masamang pag-uugali
ng kanyang dating “lady love” at ang pagsasamantala
umano nito sa kanyang kabaitan.
Wala namang magawa ang mga kausap ni opisyal kundi makinig
sa sama nang loob nito at magbigay ng sinserong tapik sa balikat
nito.
Pintahan n’yo na: Si opisyal na hirap pa rin na mag-move
on sa dating karelasyon at patuloy itong sinisiraan sa
mga nakakadaupang-palad ay itago na lamang natin sa inisyal
na “Senior Lover Boy.”
|