LONDON --- Nagpalabas ang World Health Organization (WHO) ng “global alert” nitong Lunes para sa panibagong mystery virus mula sa Middle East na maihahalintulad umano sa sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) kung saan isang Saudi Arabian national na ang nasawi habang isang Qatari ngayon ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital sa London.
Ang 49-anyos Qatari ay na-confine umano sa intensive care unit (ICU) sa isang hospital sa Doha, Qatar nitong September 7 na dinapuan ng acute respiratory infection at kidney failure bago ito inilipat sa Britain sa pamamagitan ng air ambulance noong Setyembre 11, ayon sa WHO. |