GABAY NG DIYOS

Radio ID ng LTO pabrika ng pera

(Boyet Jadulco/Bernard Taguinod/Rose Miranda)


Itinuturing ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na raket ng ilang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang P2.5-bilyong radio frequency identification (RFID) pro­ject ng ahensiya.


Sinabi ito ni Pangilinan dahil hindi naman umano talaga kailangan ang RFID sa mga sasakyan subalit pinilit ng LTO na ipatupad simula sa Oktubre.


“Mukhang may kikita na naman dito sa halagang P350 kada motorista,” patut­sada ng senador.


Aniya, bukod sa dagdag gastos lamang ito sa mga may-ari ng sasakyan, posibleng malabag din nito ang kanilang right to privacy na siyang ginagarantiyahan sa ating Konstitusyon.


May hinala naman si Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño na bahagi ng preparasyon ng Malacañang sa 2010 presidential elections ang bagong programang ito ng LTO.


Pinasisilip naman ng Malacañang sa pamamagitan ni Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III sa LTO ang nasabing reklamo dahil balido umano ang pangamba ng mga nagrereklamo laban sa RFID dahil sa hinala at pangamba na posible itong magamit sa surveillance art na paglabag sa karapatang-pantao.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section