THURSDAY, SEPTEMBER 23, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
September 22, 2010

29-31-08-13-24-03
P10,946,750.40

4-DIGIT 1-9-6-1

1:30PM SUERTRES 4-6-0
5PM SUERTRES 1-7-4
9PM SUERTRES 1-4-2

EZ-2 2PM
15-05

EZ-2 5PM
24-12

EZ-2 9PM
24-02

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-36-46-05-50-18
P172,745,132.40

 
SPORTS
Magic Millions 2YO In Training Sale

 

NAGING hectic ang araw-araw ni David Chester, ang managing director ng Magic Millions simula nang dumating siya rito noong Linggo ng gabi.


Nag-iikot kasi si Chester sa buong Asya bilang ambassador ng Magic Millions Sales at nagpo-promote ng darating na 2010 Magic Millions 2-Year-Old In Training Sale na gagawin sa Oktubre 27 at 28 sa Gold Coast.


Noong Lunes pa lang ng tanghali ay iba-ibang grupo at personalidad na sa horseracing industry ang kanyang nabisita at isa na nga raw ay ang matagumpay na auction ng mga kabayo na isinagawa doon sa Herma Farms sa Batangas.


Ang balita namin ay 22 kabayo ang naibenta ng Herma Farms sa natu­rang auction at isa raw dito ay nabili ng tuma­taginting na P1.7-million ng isang grupo ng mga owners. Anak daw ito ng pamosong Wild Orchid, ang pambatong kabayo na unang pagmamay-ari ni Atty. Raymund Moreno.


Nabili si Wild Orchid ni Hermie Esguerra at sandaling ipinanlaban pa sa magkabilang pista bago siya nagpasyang iretiro na ito. Isa ito sa mga matitinding inahin na nasa breeding shed ng Herma Farms sa Lipa.


Kinagabihan naman ng Lunes ay naka-dinner niya si Bobby Aguirre, na nakasama namin noong isang taon sa 2009 Magic Millions National Sales sa Gold Coast. Maraming pinami­ling kabayo doon si Aguirre na pulos mga pang-polo at ilan sa mga nabili niyang racehorses ay ibinigay daw niya sa kanyang anak na nasa Australia.


Binigyan naman siya ng isang dinner ni dating Philracom chairman Tata Ochie Santos sa kanilang marangyang tahanan sa Makati at natitiyak nating maraming napag-usapan ang dalawang ito tungkol sa kabayo. Ganyan kasarap kasing kausap itong si Tata Ochie kapag kabayo na ang pag-uusapan.


Kahapon ng tanghali ay naka-meet naman niya ang ilang Philracom commissioners sa opisina nito sa Makati kung saan ipi­nahatid niya ang ilang hinaing ng mga may-ari ng mga kabayong imported tungkol sa kakulangan ng competition nito sa ating mga karerahan.


Naging maganda umano ang balitaktakan nila nina Com. Vic Tantoco at Reynaldo Fernando tungkol sa ilan pang aspeto ng local racing at ng Magic Millions.


Pagkatapos nito ay nag-lunch kami ni Da­vid sa Mesa Restaurant sa Greenbelt 5 kasama ang aking misis at anak na si Migoy pati na sina Ancy Palma at Vanessa ng Australian Trade Commission at Malou ng KDJM.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.9100
Bahrain Dinar 116.457
Euro 58.3943
HK Dollar 5.65778
Japan Yen 0.517071
Saudi Riyal 11.7086
S’pore Dollar 33.0673
Taiwan Dollar 1.38849
UAE Dirham 11.9543
UK Pound 68.8933
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section