PRAKTIS SA BAHA!
Nakilahok ang mga batang ito sa pagsasanay bilang paghahanda sakaling magkaroon ng malaking pagbaha sa kahabaan ng Marikina River, sa may Tumana, ang isa sa grabeng tinamaang lugar nang naganap na pagbaha sa Marikina noong nakaraang taon. Ang pagsasanay ay inorganisa bago ang unang taong anibersaryo ng deadly flooding na naganap noong Setyembre 26, 2009 dulot ng bagyong Ondoy kung saan daan-daang residente ang nasawi. (AFP)