THURSDAY, SEPTEMBER 23, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
September 22, 2010

29-31-08-13-24-03
P10,946,750.40

4-DIGIT 1-9-6-1

1:30PM SUERTRES 4-6-0
5PM SUERTRES 1-7-4
9PM SUERTRES 1-4-2

EZ-2 2PM
15-05

EZ-2 5PM
24-12

EZ-2 9PM
24-02

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-36-46-05-50-18
P172,745,132.40

 
CRIME STORIES
BISE, NAKALAWIT SA DROGA
Ni Otto Osorio

Hindi nakapalag ang isang vice mayor nang ares­tuhin ito ng pinagsanib na puwersa ng Airport Security-Intelligence and Investigation Branch (ASC-IIB) at ng NCR-Police Center for Aviation Security (PCAS) matapos mahulihan ng labing-tatlong sticks na pinatuyong dahon ng marijuana sa South Wing departure ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon ng madaling-araw. 


Ang suspek ay si Je­remy Guiab y Galuteria, 40, bise-alkalde ng ba­yan ng Wao, Lanao del Sur, pasahero ng Philippine Airlines flight PR 819 na patungong Davao City na paalis sana ng alas-4:05 ng madaling-araw.


Sa report, idinaan ni Guiab sa may Final Security Screening Checkpoint ang ilan sa kanyang mga hand-carry bag upang idaan sa X-ray machine kung saan ipi­natutupad ito ng pamunuan ng Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) sa tuwing pumapasok na sa final check ang isang pasahero.


Hindi naman nakaligtas sa mga awtoridad si Guiab makaraan siyang kapkapan ng isang Nazario Malonzo, on-duty frisker ng Security Screening Office, kung saan dito nadiskubre sa kaliwang bulsa ng panta­lon ang 13 pirasong pinatu­yong dahon ng marijuana.


Agad ipinagbigay-alam ni Malonzo sa superior nitong si PO2 Arlene Albores, na kasalukuyang on-duty supervisor, ang mga nakumpiskang droga sa pag-iingat ni Guiab kaya agad inimbitahan ng mga awtoridad sa kanilang tanggapan ang nasabing bise-alkalde.


Samantala, pagkatapos makuhanan ng ilang impormasyon ang nasabing opisyal ng Wao, Lanao del Sur, agad siyang itinurn-over nina P/Supt. Roberto Bernal at Capt. Froilan Sanchez sa tanggapan ni P/Insp. Al Abner Wahad Santos, hepe ng PNP NCR-PCAS, para sampahan ng kaso.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.9100
Bahrain Dinar 116.457
Euro 58.3943
HK Dollar 5.65778
Japan Yen 0.517071
Saudi Riyal 11.7086
S’pore Dollar 33.0673
Taiwan Dollar 1.38849
UAE Dirham 11.9543
UK Pound 68.8933
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section