www.abante-tonite.com
 
 
 

‘Lacson’ at ‘Mancao’ movies, ipalabas ulit!

 

CALLING all businessmen and producers. Kung gusto ninyong kumita ng milyones din, now is the highly right time to re-issue the two mo­vies of “Mancao” starring Edu Manzano and “The Ping Lacson Story” starring Rudy Fernandez.


Hinde bah, binuko ni Ping Lacson na inaresto raw niya si Erap nu’ng mayor pa ito ng San Juan dahil sa pambubugbog kay Rudy Fernandez?


Eh si Daboy pa mandin ang starring sa “Ping Lacson Story” (The movie, ha! Hindi the Senate story, noh!) -- at si Cezar Mancao naman eh bidang-bida ngayon sa Senado.


Siyempre, mahihikayat ang mga moviegoers na panoorin ang life story nina Mancao at Lacson, noh!


Pag kumita kayo sa re-issue, huwag kalimutan ang balato ko ha! Mag-ala-Yuchengco bah! Ha! Ha! Ha! Ha!


***


Una si Michael Gurfinkel na tumulong sa ating mga artista na magkaroon ng “extraordinary ability visa.” Then, nandiyan din si Jemela Nettles na naging kli­yente naman ng mga singers natin na naninirahan na ngayon sa Amerika.


At ngayon, ang batikang abogada na mula sa Mani­toba, na isang immigration specialist, ang tutulong sa mga Pinoy na nais tumira sa Canada.


Si Stacey Belding, Managing Director ng Canada Immigration Group at kabilang sa consular servi­ces team ng Pilipinas sa Winnipeg, ay muling bibi­sita sa bansa upang magbigay ng mga seminar sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Maria, Bulacan, Cebu, at iba pang lugar ukol sa pagkakataong bukas sa mga Pinoy na nagnananais manirahan doon sa ilalim ng iba’t ibang immigration programs na binuksan ng pamahalaan ng Canada.


Bukod sa pagbibigay ng libreng eligibility assessment, tatalakayin din ni Belding ang temporary worker program, at magbibigay ng payo kung paano umiwas sa mga illegal recruiter.


Ang mga interesadong dumalo sa libreng by-invitation-only seminars ni Stacey Belding ay dapat mag-download at sagutin ang libreng assessment forms mula sa website ng www.canadaimmigrationblog.com at ipadala ito sa email ng canadaimmigrationgroup@yahoo.ca.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section