|
“ANG GULO mong kausap, Dalia Magsalin,”
nakaarko ang kilay na sabi ni Caridad sa dalagang buntis. “Kasasabi
mong nakarating ka sa Hong Kong kung saan ka nagkaroon ng masamang
ekspiryensiya, bigla mo namang binawi! Ano ba ‘yan?”
“Salamat uli sa dalaw mo, Caridad. I really appreciate it.
Ingat.” Pilit pinagagaang ni Dalia ang agam-agam. Sasarilinin
na muna ang problema.
Humirit pa si Caridad, bumulong. “Pero napakaguwapo pala
nu’ng ex mong anak ng congressman, ‘day! Makalaglag-panty
sa kakisigan! Mag-reconsider ka kaya...”
“Dusa ang magiging kabayaran, Caridad. Ayaw na naming magdusa.”
Natigilan si Caridad, nais na namang huwag munang umuwi; makipagtsismisan
uli.
Pero nasulyapan ang nanay ni Dalia na matalim nang nakatingin sa
kanila, na para bang sinasabing ‘Wala na ba kayong gagawin
sa lugawan ko kundi magdaldalan?’
“B-babay na, ‘day! Para nang sasambulat dito ang 3rd
world war!” tarantang bulong ni Caridad, umalis na agad.
Malayo na naman ang lipad ng diwa ni Dalia habang naghuhugas ng
mga mangkok. “Bigo ang ating pag-ibig at napakasakit sa puso
ko, Brando. Para na akong namamatay sa araw-araw...”
Kino-consider na niya ang ibang options o pagpipilian. “Ano
kaya kung sabihin ko sa engkantada na kahit mag-ibigan kami ni Brando
ay i-delay muna niya ang sumpa? Kahit for 3 years ay bayaan kami
ni Brando na maging maligaya sa piling ng aming baby...”
Sa ikaapat na taon na lang ituloy ng engkantada ang parusa sa kanila.
Siguro by that time ay kaya na nila ni Brando na haraping muli ang
dusa, dugtong pa ni Dalia sa isipan.
WALA talagang kaalam-alam si Dalia na si Brando ay nagdurusa na
-- bilang asong gala.
Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ang marungis at payat na aso.
Panay na ang tingin sa maruming tubig sa kanal.
Naglalaway na rin sa nabubulok na mga tirang pagkaing nasa basurahan.
Bale ba ay pagod na pagod na rin si Brando sa kalalakad.
Panay pa rin ang kanyang amoy sa bagay-bagay sa daan-damo, halaman,
poste, lupang basa. Maging ang tuyong dumi ng ibang aso ay kanyang
inaamoy at wala siyang magawa; iyon ang kakayahan ng isang ordinaryong
aso.
Napaigtad siya nang maramdamang may umaamoy na lalaking aso
sa kanyang puwitan. Hinarap niya ito at inungulan -- kakagatin
kapag nagpatuloy sa masagwang gawi. “Grrrowwl.”
Kaso ay mabangis pala ang asong lalake -- sinakmal agad si Brando!
Ang asong dating tao ay sumisigaw sa sindak, pero sa isip lamang.
“Aaah!
Saklolo! May asong uloool!” (ITUTULOY)
|