www.abante-tonite.com
 
 
 

Iza at Sunshine, agawan sa titulong ‘Sine Novela Queen’

 

TULOY ang banggaan nina Iza Calzado at Sunshine Dizon. Ayaw ngang tantanan ng mga manunulat ang dalawa tungkol sa diumano ay away nila, lalo na at magkasabay na ipalalabas daw ang mga sine novela na pagbibidahan nila.


Si Iza ang bida sa Kaya Kong Abutin Ang La­ngit, samantalang si Sunshine naman sa Tinik Sa Dibdbi.


“Wala naman pong banggaan! Napapalaki lang! Ito po ay teamwork para maging matatag ang panghapong slot ng GMA. Hindi ko alam kung sino ang mauuna sa aming time slot. May difference ba? Ha! Ha! Ha!” natatawang reaksyon ni Iza.


Sabi, ngayon daw malalaman kung sino sa kanila ang dapat tangha­ling Sine Novela Queen!


“Ooww? Talaga? Hindi ko alam ang reaksyon ko doon. Wala akong masasabi dahil hindi ako involved diyan. Hindi ko desisyon and honestly, I don’t see the difference in my perspective! Hindi ako magaling diyan!


“Actually, wag na nating pag-usapan. Nagiging rival kasi ang anggulo!

People keep talking about it. I hope they will respect our decision na not talk about it,” pa­kiusap ni Iza.


Si Topel Lee ang magdidirek ng show ni Iza. Sino naman ang magdidirek ng kay Sunshine?


“Hindi ko po alam,” sagot ni Iza.


So, hindi na talaga niya inaalam ang anumang bagay tungkol sa dating kaibigan?


“Wala po akong sinabing ganyan. Hindi lang talaga ako nakikialam sa iba. Actually, walang gustong mag-ingay sa amin. Nata-trap lang siguro kami sa mga questions ninyo. So sana, tapusin na po natin!” pakiusap pa rin ni Iza.


Anyway, kontrabida at maldita ang natokang role kay Iza sa pelikulang Yaya & Angelina The Spoiled Brat Movie, na prodyus ng APT Entertainment at GMA Films.


Kuwento ni Iza, siya ang nakiusap kay Ogie Alcasid na bigyan siya ng role sa naturang pelikula.


“Hindi kasi ako nakakapagkontrabida kaya puwede ko siyang paglaruan. Sa make-up at costume ko, puwedeng paglaruan. Magsuot lang ako ng may takong na sapatos, trench coat, okey na!”


Paano ba siya magmaldita sa tunay na buhay?


“Sa totoong buhay, tao lang naman ako. Hindi ko na ie-explain kung paano ako magmaldita. Ha! Ha! Ha! Pero, ganito, ‘Hoyyy!’ Joke lang!” pabirong sabi ni Iza.


“Pero, ang kamalditahan ko nasa lugar. Sakto lang! There will always be a reason behind it. Hindi ako maiinis o magagalit kung wala akong rason.

There will always be a back story, reason,” dugtong na pahayag niya.


Siyanga pala, naurong sa Sept. 30 ang playdate ng local showing ng foreign film niyang The Echo.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section