MONDAY, SEPTEMBER 16, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
OPINION
Giyera at negosasyon

Hindi ko alam kung sino ang nag-advise kay Vice President Jejomar Binay na makisawsaw sa nagaganap na labanan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga tropa ng pamahalaan sa Zamboanga City.


Kaklase ni Binay sa University of the Philippines si MNLF Chairman Nur Misuari kaya madali niya itong nakausap hinggil sa posibilidad ng ceasefire na inayunan naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kung MNLF ang mauunang magdeklara ng tigil-putukan dahil sila naman ang nauna na maghasik ng kaguluhan sa Zamboanga City.


Ang problema ay agad na nag-anunsiyo sa media si Binay na may umiiral nang ceasefire sa Zamboanga City kung kaya nagdulot ito ng kalituhan sa mga tropa ng pamahalaan na patuloy na pinapaputukan ng mga rebeldeng MNLF.


Mismong si Secretary Gazmin ang nagpasubali sa naging anunsiyo ni Binay sa ceasefire at sinabing si Pangulong Noynoy Aquino lamang ang may kapangyarihan na magsabi sa mga sundalo at kapulisan kung mayroon nang umiiral na tigil-putukan.


Kaya nga natural lang na pinagpiyestahan si Binay ng mga taga-administrasyon dahil nga sa kanyang pagiging epal o mapapel na hindi rin nakaligtas sa mga batikos ng mga netizens na nagsabing maagang pamumulitika ang ginawa ni Binay para sa 2016.


Mula noong Biyernes ay umaabot na sa 53 katao ang namatay at 70 ang nasugatan sa anim na araw na putukan sa pagitan ng MNLF at mga tropa mula sa Army, Marines, Scout Ranger at Philippine National Police (PNP).


Kabilang sa mga namatay ay tatlong miyembro ng Armed Forces at tatlo mula sa PNP na kinilalang sina Inspector Jay Oyo­yan (PNP Academy Class 2012), Police Officer 3 Murphy Abbilani at PO2 Christian Hernaez ng PNP Special Action Force.


Apat na sibilyan din ang namatay sa putukan at sinasabing may 43 rebeldeng MNLF ang napatay naman ng mga tropa ng pamahalaan.


Sa 70 katao na naiulat na sugatan, 35 rito ang sundalo, anim na pulis, 20 sibilyan at siyam na rebelde. Umabot naman sa 19 na MNLF ang sumuko o nabihag ng AFP at PNP.


Base naman sa tala ng Department of Social Welfare and Development, umaabot na sa 62,329 ang kabuuang bilang ng mga evacuees o mga tao na nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan para takasan ang umiiral na giyera sa Zamboanga City.


Ang mga nabanggit na datos ay magsasabing nasa depensiba na ang mga rebeldeng MNLF at ang nagsisilbing balakid sa all-out attack ng AFP laban sa mga ito ay ang patuloy na pagkakaroon nila ng hostages na umaabot sa 40.


Kung magkakaroon man ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at MNLF, ito ay para sa kag­yat na pagpapalaya ng mga hostage ng MNLF na pawang mga sibilyan at walang kinalaman sa nagaganap na giyera.


At dapat sigurong itanong kay Binay kung inisip niya ba ang kapa­kanan ng mga hostage nang kausapin niya si Misuari para sa posibilidad ng tigil-putukan na magreresulta sa peaceful settlement ng giyera sa Zamboanga City.


Ang kasunod na tanong dito ay kung papaano tatratuhin ng pamahalaan ang mga miyembro ng MNLF na lumahok sa Zamboanga City siege dahil hindi naman puwedeng basta na lang sila pababalikin sa kanilang mga kampo na parang walang nangyari.


Puwede naman kasing magkaroon ng negosasyon ang pamahalaan at MNLF para palayain ang mga hostage habang patuloy ang bakbakan sa pagitan ng MNLF at mga tropa ng pamahalaan.


At sakaling pumalpak ang negosasyon ay rescue operation na dapat ang ina­atupag ng mga elite force ng AFP at PNP sa pangu­nguna ng Scout Ranger ng Army at Special Action Force ng PNP.




LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.8400
Bahrain Dinar 116.286
Canadian Dollar 42.3903
Euro 58.2831
Australian Dollar 40.5345
HK Dollar 5.65386
Japan Yen 0.441357
Saudi Riyal 11.6876
S’pore Dollar 34.5278
Taiwan Dollar 1.47612
UAE Dirham 11.9370
UK Pound 69.5916
COLUMNIST OF THE DAY
Huwag ihalo ang 2016 na pulitika sa gulo sa Zamboanga
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section