KABUL, Afghanistan --- Armado ng mga baril at rockets, sinalakay ng isang malaking grupo ng Taliban ang isang military airfield dito kung saan naka-deploy si Prince Harry, ang 27-anyos na "third in line" sa British throne. Dalawang US Marines ang nasawi at ilang aircraft ang nasira sa pinakamalaking 'security breach' na ito sa Camp Bastion. |