NATATAWA
na lang ako sa mga nagsasabi, nagri-report at nagtatanong/nagtataka
kung nagbalikan na raw ba sina Hayden Kho at Vicki Belo? Gosh abelgosh!
At kelan naman kaya nag-break o naghiwalay ang dalawa?
Hindi ba nga nung kasagsagan ng Hayden sex video ay nabalita pang
niregaluhan pa ng bagung-bago at branded car? Nagregalo pa si Belo
samantalang kumalat naman na naglulumuhod pa kuno si Hayden Kho
para patawarin siya ni Belo. Anoh bah?
At ako naman na madalas magmarunong eh sinabing tahasan na hindi
maghihiwalay ang dalawa -- dahil wala nang iibig pa kay Belo na
mas bata at kasing guwapo at kasing dakota (?) ni Hayden, so why
give up the ship?
Kung sinasabi man na si Vicki Belo ang nagpakalat ng sex video ni
Hayden -- ‘yun ay para ipamukha kay Katrina Halili na mas
mahaba ang buhok ni Belo kahit walang belo na nakapatong sa nakalugay
na buhok ni Vicki, kaya siya ang mas pinili ni Hayden!
Sinabi ko rin noon na walang mangyayari sa moro-moro na palabas
kahit na nagkalat pa sa lahat ng kalye ang piniratang video at exposure
lang kay papa Adel Tamano ‘yung woman versus woman na kasong
hawak niya.
Oh, may nangyari ba nga?
Ngayong may mga nagri-report na nakikita kung saan-saang hotel na
nagtsi-check-in pa sina Hayden at Belo, hindi ba nga proud pa si
Victoria -- kasi nga sa dami ng mga nakapanood na sa sex styles
ni Hayden Kho -- hindi nga ba ang daming naiinggit na kababaihan
kay Vicki Belo, kasi natitikman niya ang lahat ng strokes ni Hayden
sa sex and more perhaps?
Well, kayo na ang maging kasing-tanyag at kasing-yaman
ni Donya Victoria if you cannot buy your own happiness, noh!
The moral lesson here is -- huwag basta maniniwala sa mga bali-balita,
ha!
Magkaroon ng sariling imbestigasyon!
***
Heto pa ang isang kabalbalan. Kapwa artista nag-eendorso ng pelikula
ng kapwa artista?! Ha? Kelan naman naging effective ang endorsement
ng isang artista tungkol sa mismong pelikula niya o ng kapwa niya
artista?
Isang malaking kabalbalan ‘yang promo slant
ng Star Cinema lalo pa at sa isang gay film na wala namang direct
understanding ang mga nagpapakawala ng mga papuri at sobrang praise
releases!
Dapat maintindihan ng isang artistang nagsasalita sa harap ng mikropono
ng nakatutok na TV camera na nalalagay sila sa alanganin dahil
sa scripted na sinasabi nila.
Unang-una, sinasabi ng endorser na maganda ang pelikula. Anong
nalalaman ng isang artista tungkol sa maganda at pangit na pelikula?
Natural lang na maganda ang sasabihin mo sa
harap ng TV camera.
Alangan namang sabihin mong “ang pangit
ng pelikula, parang walang nagdirek!” o ‘di kaya ay
“wala namang bago sa akting ni Vilma Santos, puro sigawan
pa rin at akting na pasigaw!” (unlike Nora Aunor nga na mata
lang ang pagalawin niya effective acting na!).
Pangalawa, sariling pelikula na nga ng ibang artista ang pinu-promote
nila like, “panoorin po ninyo, magandang pelikula po ito,
may aral kayong mapupulot” -- eh may naniwala naman ba sa
paeklay ng artista para panoorin ang movie nila na madalas -- sila
mismo hindi pa napapanood ang kabuuan ng pelikula, pero kung magsalita
sila akala mo eh mga jurors ng Filmfest na alam kung ano ang good
acting at bad acting!
Pangatlo, bakit pumapayag silang mang-uto sa publiko? Papaano kung
mapanood ng ilang naniwala sa endorsements nila at napangitan sa
napanood nila, papaano pa nila mapapaniwala ang publiko pag sariling
pelikula na nila ang sasabihin nilang “pang-award, super-ganda”?
Mabuti pa kung puro mga bakla na lang ang pinag-endorse sa gay film
na “In My Life” mas magiging effective pa at baka kumita
man lang kahit kalahati ng nalustay na budget ng movie itong kalandian
sa New York City, noh!
Ngayong araw na ito ang opening day ng “In My Life”.
Heto kami at tumutulong pa sa promo ng movie. Tingnan natin kung
may tao sa mga sinehan. Hindi kaya puro tilian lang ang maganap
sa loob ng sinehan? O baka mauwi lang sa hantingan ng bakla at lalake?
Wow, sana itong gay film na “In My Life” ang maging
daan para ang mga SM cinemas ay maging venue na rin for showing
ng mga gay films na likha ng indie producers, huh! Ewan ko,
sa festivals abroad nabibigyan ng awards ang mga gay films -- bakit
sa Pilipinas hindi pinapanood ng karamihan ang mga ganyang tema?
|