www.abante-tonite.com
 
 
 

IZA, NATULALA DAHIL SA ‘EMMY’!

(REY PU­MALOY)

 

NAIYAK si Iza Calzado nang sabihin sa kanya na isa siya sa semi-finalists sa International Emmy Awards para sa performance niya sa Joaquin Bordado.


“Masayang-masaya ako. Naiyak pa nga ako sa tuwa. Hindi ko ini-expect na mapapansin ang performance ko,” sabi ni Iza.


“I was shocked at natulala ako noong sabihin nila sa akin ‘yon. Malaking bagay para sa atin ‘yon, ‘di ba?


“Kahit na hindi pa nga siya final nomination, the fact na na-consider nila ‘yung entry ng Pilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mga Pinoy.”


Sinasabi tuloy na pang-international na talaga ang kalibre ni Iza dahil napapansin ng mga foreign television critics ang mahusay niyang pagganap sa isang drama series.


Bukod nga riyan ay may Hollywood film ding natapos si Iza na The Echo (ang Hollywood version ng pelikulang Sigaw) na sa 2009 pa raw magkakaroon ng commercial release sa US.


“I really don’t know what to say kundi thank you sa International Emmy Awards for considering Joaquin Bordado at sa iba pang entries ng Philippines. I heard na may two shows from the other channel (ABS-CBN 2) na nakasama sa semi-finals,” say na lang ni Iza.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section