SA
September 17 pa ang 26th birthday ni Francine Prieto pero maaga
siyang binigyan ng birthday dinner ni Mr. Diocildo Sy ng Everbilena.
Joint birthday celebration ang nangyari dahil magkasunod ang birthday
ni Francine at ni Mr. Sy.
Two years nang endorser si Francine ng Everbilena at kitang-kita
na alagang-alaga siya ng nabanggit na company.
***
Nabawasan na ang timbang ni Francine mula nang lumabas siya sa Blackout
Fashion Show ng Bench noong July 25, 2008. Sineseryoso na ni Francine
ang pagpapapayat at umiwas na rin siya na kumain nang kumain,
dahil siya mismo ang nakakaramdam ng pangingilabot
sa tuwing nakikikita niya sa TV ang sarili.
Nagsimula ang pagtaba ni Francine noong isang taon nang sabihin
sa kanya ang biglang pamamaalam sa ere ng top-rating sitcom na Bahay
Mo Ba’To.
Dumanas ng matinding depression si Francine at ang pagkain ng marami
ang kanyang naging bisyo. Nalungkot nang husto si Francine dahil
na-miss nito ang mga kasamahan sa Bahay Mo Ba’To at inisip
din niya na malaking kawalan ang show dahil siya ang breadwinner
ng pamilya.
Karagdagang problema rin ang mga bayarin tulad
ng townhouse na hinuhulugan niya sa bangko.
Ang kanyang pamilya ang primary concern ni Francine. Handa
raw siya na maging matandang dalaga, alang-alang sa pamilya niya.
At 26, malayo sa isip ni Francine na lumagay sa tahimik. Mag-aasawa
lamang daw siya kapag nabigyan na niya ng sariling bahay at
negosyo ang kanyang ina at mga kapatid.
***
Present sa birthday dinner para kay Francine ang businessman na
si Philip Cu-Unjieng. Matalik na kaibigan ang turing ni Francine
kay Philip na matagal nang napapabalita na boyfriend niya.
Ayon kay Francine, mabuting kaibigan si Philip dahil ito ang kanyang
karamay noong nakakaramdam siya ng depression.
Nabigyan din siya ni Philip ng mga trabaho noong bihira ang kanyang
mga TV guesting at out-of-town shows.
Komportableng-komportable sa isa’t isa sina Francine at Philip.
Hindi na sila naiilang na makita na magkasama.
***
Comments
are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|