Isang senador ang nagpahiwatig ng kagustuhang iretoke ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill pero sa Kamara, itinuturing ng liderato na kapritso na lamang ang ilang hinihirit ng mga kontra sa panukala kaya't malabo umano nila itong ibigay lahat.
Ayon kay Sen. Ralph Recto, hindi bagay ang titulong "Reproductive Health" sa panukala dahil ang kahulungan ng reproductive ay reproduce o magparami ng lahi taliwas sa hangarin ng panukala na kontrolin at bawasan. |