THURSDAY, SEPTEMBER 08, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

CRIME STORIES
NAKAWAN SA PHILPOST, HULI SA CCTV
(Juliet de Loza)

Buking sa inilagay na closed circuit television camera (CCTV) ang ilegal na pagbubukas ng sulat at pagnanakaw ng pera sa loob ng mga parcel, ng dalawang empleyado ng Philippine Postal Office (PhilPost).

Anong kontrata? --- Inireklamo ni Jocelyn Ontilla ng Baltao, Parañaque, ang taxi driver na si Sanitario Bagacay, ng Six Brothers Trans. Corp. , na may plakang TYJ 799, makaraang ‘di paganahin ang metro nito at singilin ng P200 ang pasahero na nagpahatid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Bunga nito, binakbak ng airport police ang plaka ng taxi ni Bagacay. (Mike Perez)


Nabatid sa ginanap na press conference, nakunan ng CCTV sina Postman 1 Lovilyn de Leon ng PhilPost Central Mail Exchange Center, at ang examiner representative  ng Bureau of Custom na si Omar Said noong Setyembre 2, dakong alas-11:00 ng umaga, habang  binubuksan ang package na kanilang iniinspeksyon at kinuha ang envelope na nasa loob nito.


Nangyari umano ang insidente sa PhilPost CMEC Philippine ­Postal Corporation sa NAIA Road, Pasay City, na siyang main PhilPost office at unang pinaglalagakan ng mga package bago ihatid sa kani-kanilang destinasyon.


Sa ilalim ng protocol, sinabi ni Post Master General Josefina de la Cruz na ang lahat ng package ay dapat lamang  inspeksyunin ng PhilPost representative at ng  Customs representative sa harap ng recipient o consignee.


Ayon kay De La Cruz, ang sabwatan ng PhilPost at Custom employee ay maaring matagal nang nangyayari bago pa man siya naging Post Master General ng PhilPost.


Sa kabila umano na ang CCTV ay 6 na taon nang naikabit sa PhilPost, ngayon lamang may nahuli sa kabila ng napakaraming reklamo na tinatanggap ng PhilPost kaugnay sa hindi naide-deliver o delay na pagdating ng mga packages.


Naglalaman umano ng 100 euro ang kinuhang envelope ng nahuling empleyado.


Sinabi ni De La Cruz, ang nakawan sa PhilPost ay ‘team effort’, kung saan lahat ay kasabwat. Nang tanungin si De Leon, umiyak lamang umano ito at tumangging magsalita hangga’t wala ang kanyang abogado at hindi na pumasok sa kanyang trabaho mula nang mabuko.


Nahaharap ngayon sa kasong administratibo at kriminal ang dalawa.


Kasabay nito, nagbabala si De La Cruz sa lahat ng empleyadong “bad eggs” ng PhilPost na itigil na ang kanilang ilegal na gawain dahil may tiyak na kalalagyan umano ang mga ito.


“Whatever [wrongdoing] you did before, you may no longer do it now. I don’t look for wrongdoing but [when I catch you] I will not simply watch while you just do it. I would like to bring the trust of the public back to PhilPost,” ayon kay De La Cruz.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.3800
Bahrain Dinar 112.398
Euro 59.6495
HK Dollar 5.43749
Japan Yen 0.548504
Saudi Riyal 11.2716
S’pore Dollar 34.9945
Taiwan Dollar 1.45351
UAE Dirham 11.5379
UK Pound 67.7975
COLUMNIST OF THE DAY
Ituloy ang laban
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section