WEDNESDAY, SEPTEMBER 5, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Eddie, pinalitan na ni Pen sa serye ng GMA
 

Hindi masabi ng mga artista at staff ng Aso Ni San Roque ang tunay na kalaga­yan ni Eddie Garcia, pero kinumpirma nila na may special participation ang award-winning veteran actor sa bagong primetime show ng GMA 7.

Kumalat noong nakaraang linggo ang balita na may sakit si Eddie kaya inalis ito sa cast ng Aso Ni San Roque pero pinabulaanan niya ang balita. Diumano, nagkaroon lang siya ng executive health check up.

***

Si Pen Medina ang ipinalit sa old gay character na dapat na gagampanan ni Eddie. In character si Pen bilang Mother Ben sa press launch ng Aso Ni San Roque dahil gay na gay ang kanyang kilos at itsura.

Inspired ng karakter ni Eddie sa Bwakaw ang old gay character role sa primetime program ng Kapuso Network dahil kasama rin sa cast si Princess, ang aso na hinangaan sa indie movie ng writer/director na si Jun Lana.

Si Jun ang writer at direktor ng Bwakaw at original concept niya ang Aso Ni San Roque. Siya rin ang discoverer ni Princess na hinanap niya sa YouTube dahil nag-back out ang may-ari ng aso na original choice para gumanap sa karakter ni Bwakaw.

***

Nang mawala kay Eddie ang role ni Mother Ben sa Aso Ni San Roque, nangarap si Paolo Contis na siya ang ipalit sa veteran actor. Qualified si Paolo dahil kahit nakapikit ang mga mata, gamay na niya ang mga gay character role.

Hindi nangyari ang pangarap ni Paolo dahil bata siya para sa papel ni Mother Ben kaya siya pa rin ang gumanap bilang Sento, ang pinuno ng mga aswang ng lupa. Napilitan si Paolo na magpapayat dahil nakahubad siya sa halos lahat ng kanyang mga eksena.

***

Si Don Michael Perez ang direktor ng Aso Ni San Roque. Sa kanyang welcome speech, sinabi ni Don na ibinabalik ng GMA 7 ang mga fantaserye dahil ito ang genre na nagpasikat sa mga programa ng Kapuso Network.

Si Mona Louise Rey at ang aso na si Princess ang lead stars ng Aso ni San Roque. Bulag ang karakter ni Mona Louise na hindi iba sa karakter ni Krystal Reyes sa Mga Mata ni Angelita, ang television remake ng 1978 movie ng yumaong aktres na si Julie Vega.

Dahil fantaserye ang Aso Ni San Roque, makaka­laban nina Fatima (Mona Louise) at Anghel (Princess) ang mga kampon ng kadiliman, sina Angelika dela Cruz, ang pinuno ng mga aswang ng apoy at Gwen Zamora, ang reyna ng mga aswang ng tubig.

***

May special participation sa Captive ang broadcast journalist na si Arlyn Dela Cruz. As herself si Arlyn sa pelikula ni Brillante Mendoza.

Tungkol sa karanasan ng mga hostage ng Abu Sayyaf ang kuwento ng Captive at personal na nakausap ni Dela Cruz ang mga biktima ng kidnapping nang magpunta siya sa Mindanao noong January 2002.

Sa pagnanais na makakuha ng exclusive story, napagbintangan si Arlyn na sympathizer ng Abu Sayyaf Group. Malaki ang kontribusyon ni Dela Cruz sa pagsasapelikula ng Captive dahil nakapagbigay siya ng mga impormasyon sa tunay na kalagayan ng mga hostage ng Abu Sayyaf.

Nakatulong siya sa malawak na research na ginawa ni Dante at ng scriptwriter ng pelikula. Hostage victim din si Arlyn dahil tatlong buwan siya sa piling ng mga rebelde. Kinidnap si Arlyn dahil napagkamalan na siya ang may dala ng ransom money para sa kalayaan nina Gracia at Martin Burnham. Si Senator Loren Legarda ang nakipag-negotiate sa mga rebelde kaya nakalaya si Arlyn.

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.8881
Bahrain Dinar 111.102
Canadian Dollar 42.5058
Euro 52.8298
Australian Dollar43.0413
HK Dollar 5.40051
Japan Yen 0.534285
Saudi Riyal 11.1694
S’pore Dollar 33.6479
Taiwan Dollar 1.40458
UAE Dirham 11.4039
UK Pound 66.5467
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section