www.abante-tonite.com
  <
 
 
 

Nambiktima kay Alyssa, tukoy na

 

MAY lead na ang mga imbestigador sa suspect na ginamit ang pangalan ni entertainment editor/Startalk co-host Ricky Lo sa panloloko kay Alys­sa Alano.


Mga gift certificate na nagkakahalaga ng P50,000 at pabango ang nakuha mula kay Alyssa ng suspect na nagpanggap na siya si Ricky.


Laway at cellphone lang ang naging puhunan ng suspect. Tinawagan niya sa telepono ang ma­nager ni Alyssa, nagpakilala na siya si Ricky, hiningi ang contact number ng sexy star at nagkunwari na iinterbyuhin ang sexy comedienne para sa kanyang column.


Hindi nagduda si Alys­sa nang tawagan siya sa cellphone at hingan ng gift certificates ng suspect na nagpanggap na Ricky. Personal pa na ibinigay ni Alyssa sa suspect ang mga gift certificate at pa­bango nang magkita sila sa isang restaurant sa Shangri-La Mall.


Nalaman ng mga im­bes­tigador na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng suspect ang pangalan ni Ricky.


Tumawag na rin noon ang suspect sa cellphone ng nanay ng isang lifestyle columnist. Nagpanggap ang suspect bilang si Ricky at nagpapatulong siya sa kanyang problema.


Hindi nagtagum­pay ang suspect. Naging matalino ang bibiktimahin dahil pinatawagan nito sa kanyang anak si Ricky. Nagulat si Ricky dahil hindi niya tinatawagan ang ina ng lifestyle columnist. Hindi rin niya alam ang contact numbers ng target ng suspect.


***


Kung naging wise si Alyssa, hindi siya naging biktima ng suspect.

Nagkikita sila ni Ricky sa Startalk tuwing Sabado. Matagal na silang magkasama sa Startalk pero hindi pa siya pamilyar sa boses ni Ricky.


Nagduda sana si Alyssa. Bakit siya uutusan ni Ricky na mag-withdraw ng P50,000 para ibili ng mga gift certificate? Bakit hihingin ni Ricky ang kanyang bank account number? Bakit nanghingi si Ricky ng pabango?


Maraming puwedeng pagtanungan si Alyssa sa contact number ni Ricky para personal ito na tanu­ngin kung totoo na siya nga ang caller.


***


May hinala kami na nagkaroon ng idea ang suspect na biktimahin si Alyssa dahil sa interbyu sa kanya sa Startalk noong nakaraang Sabado.


Sina Lolit Solis at Joey de Leon ang nag-interbyu kay Alyssa. Naging katatawanan ang interbyu dahil sa mga walang direksyon na sagot ni Alyssa.


Aminado si Alyssa na mahina siya sa Ingles. Ipinagtapat ni Alyssa sa national TV na pinagpanggap niya na siya ang anak ng kanyang manager nang tawagan nila sa telepono ang kanyang half-sister na Australian para magkaintindihan sila.


Kapatid sa ama ni Alyssa ang Australian girl. Matagal na hinanap ni Alyssa ang ama na nag-abandona sa kanya. Na­ging malungkot ang resulta ng paghahanap ni Aly­ssa dahil dalawang taon nang namamayapa ang kanyang ama.


Sa umpisa ng Startalk noong Sabado, binanggit din na kagagaling lamang ni Alyssa mula sa Amerika at pabango ang pasalubong niya sa mga host ng programa.


Tiyak na napanood ng suspect ni Alyssa ang mga pinagsasabi nito sa Startalk kaya naging madali sa kanya na gawing biktima ang sexy comedienne.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section