Kung maipatutupad ang 'plastic ban' sa buong bansa, magiging plastic-free ang Pilipinas sa nalalapit na hinaharap. Suportado ng Malacañang ang paggamit ng recyclable bags sa halip na ang nakagawiang plastic bags na higanteng hakbang para maisalba ang kalikasan.
"Encourage the use of reusable bags, lalo ang canvas bags that are washable and can be used over and over again in lieu of plastic," ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte. |