www.abante-tonite.com
 
 
 

Angelika, pakakasal na!

 

KUNG si Angelika dela Cruz ang masusunod, gusto na talaga niyang mag-asawa. Sa edad na 27, handa na nga si Angelika na lumagay sa tahimik.


Sabi pa ni Angelika, gugulatin na lang niya ang showbiz sa pagpapakasal niya sa boyfriend niya ngayon. At kahit tumutol daw ang tatay niya, wala na itong magagawa.

Ayaw raw niyang tumandang-dalaga, dahil tulad ng ibang babae, gustung-gusto raw niyang magkaroon ng pamilya.


So, type na rin niyang magkaroon ng anak sa susunod na taon?
“Hindi naman talaga gustung-gusto, pero bakit hindi? Kasi, mas masarap naman ‘yung magka-baby ngayon, kesa ‘yung ‘pag matanda na ako,” katwiran ni Angelika.


Kunsabagay, stable naman ang negosyo ng boyfriend ni Angelika ngayon, at kayang-kaya na rin naman siyang buhayin nito, kahit mag-quit na siya sa showbiz.


Siyanga pala, inamin ni Angelika na nailang siya sa halikan nila ni Wendell Ramos sa Sine Novela ng GMA 7 na Una Kang Naging Akin.
Hindi raw kasi sila binigyan ng pagkaka­taon ni Wendell na magkakilala muna bago magha­likan. Kulang na kulang daw sa oras.


Kasama rin sa Una Kang Naging Akin sina Maxene Magalona, Alfred Vargas at LJ Reyes.


***


Itinanggi ni Iñaki ng Pinoy Dream Academy na takot siya sa bading. Nu’ng nasa loob raw kasi siya ng PDA house, nagkaroon ng impresyon na takot siya sa bading.


Sabi ni Iñaki, paano raw mangyayari na matatakot siya sa bading, eh, anim na taon pa lang ay nasa Repertory Philippines na siya, at kapagkuwan ay napunta sa Trumpets.


Sabi ni Iñaki, alam niya na maraming bading sa showbiz, at hindi raw isyu sa kanya ‘yon, dahil sanay siya na nakakakita ng bading.
Alam ni Iñaki na marami ang nayayaba­ngan sa kanya.


“Pinagsisihan ko po ang mga bagay na nagawa ko na naka-offend sa mga kapwa ko Scholars at sa mga viewers. Sana po, mapagbigyan pa nila ako upang maipakita ko sa kanila na mabait na tao naman po ako,” sabi pa ni Iñaki.


Siyanga pala, para kay Iñaki, si Bugoy ang gusto niyang manalo sa Pinoy Dream Academy. Sa tingin niya, biggest discovery ng PDA si Bugoy.


Mula rin sa dugong showbiz si Iñaki. Sabi niya, kamag-anak niya ang pamilya nina Phillip Salvador, at pati na si Angel Locsin.


Planong ipagpatuloy ni Iñaki ang pagkanta. Hiling niya, magkaroon siya ng album, makagawa ng MTV, at makakanta sa ASAP. Sa October ay guest siya ni Sam Concepcion sa concert nito sa Music Museum.
***


Samahan si Bernadette Sembrano na kila­lanin ang mga batang biktima ng incest at alamin ang kanilang sinapit sa kamay ng sariling kadugo ngayong gabi sa The Correspondents.


Edad na trese ay ginahasa ng kanyang tiyuhin si Mae at ang naging bunga nito ay dinala na lamang sa isang institusyon. Ang magkapatid naman na si Korinne, 14, at si Angeline, 4, ay kapwa pinagsamantalahan ng nakatatandang kapatid at kapwa ‘di pinaniniwalaan ng ina at ibang kapatid.


Naging masaklap din ang lahat para kay Gail na edad 14 ng simulang pagsamantalahan ng sa­riling ama. Sa kasalukuyan, dalawa na ang anak nila at ang kawawa niyang ina ay wala na ring nagawa kundi tanggapin ang sitwasyon dala ng kahirapan.


Paano ba naatim ng ibang tao na pagsamantalahan ang laman ng kanyang laman at dugo ng kanyang dugo?

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section