Pormal na inilunsad kamakailan ng First Class Agriculture Corporation
ang Fresh Choice Always (FCA), ang brand ng gulay at prutas na kilalang-kilala
sa pagiging sariwa at GMO free. Ito ay makikita sa mga shelves ng
Luzon based-SM Supermarkets at Hypermart at Makro.
Ang
First Class Agriculture) ay pag-aari ng AgriNurture Inc. (ANI),
ang nangungunang agro-industrial company na mapapasama sa listahan
ng Philippine Stock Exchange ngayong taon ay mahigit nang 10 taon
sa pagnenegosyo at bihasa na sa agro-commercial business simula
noong 1997.
Kamakailan lalo pang napagtibay nito ang apat
na major subsidiaries upang mapalawak ang kanilang market coverage
hindi lamang sa ibang bansa ngunit maging sa Luzon.
Naging host ang ANI sa nasabing espesyal na
okasyon sa kanilang packing at distribution center na may processing
at storage facilities sa Pulilan, Bulacan upang ipakilala ang FCA
brand. Dito, sinisigurado nilang sariwa at ligtas ang kanilang mga
produkto.
“Safety is guaranteed from harvesting
to sorting and packing, transport and delivery to trade, with daily
pullout and replenishment at trade,” ayon kay ANI president
at CEO Antonio Tiu.
Idinagdag
pa nito na ang FCA veggies ay garantisadong safe at sariwa kaya’t
tiyak na sagana ito sa bitamina na kailangan para sa malusog na
pamilya.
Ang iba’t ibang produkto ng ANI katulad
ng sariwang prutas at canned processed fruit-based products ay exported
sa buong mundo maliban sa Africa at South America. Ito rin ang parent
company ng First Class Agriculture, Fresh at Green Harvest Company,
Best Choice Harvest, Fruitilicous, Nutrilicious Marketing, Lucky
Fruit at Vegetable Products, M2000 IMEX Co. Malapit na ring ilunsad
ang kanilang e-commerse website via http://www.ani.com.ph.
|