www.abante-tonite.com
 
 
 

Ely Buendia ng Eraserheads, stable na ang kundisyon

Matapos mahimatay at matsismis na namatay…

 

IN stable condition na si Ely Buendia, pero maglalabas pa rin ng official statement ang Sony BMG Records sa tunay na kalagayan ng dating lead vocalist ng Eraserheads para mabawasan ang pag-aalala ng kanyang mga tagahanga.

Sari-saring balita ang kumalat nang mag-collapse si Ely sa reunion concert ng Eraserheads sa open field ng Global City, The Fort at ang tsismis na pumanaw ang singer ang pinakamatindi.

For the record, maayos na ang kalagayan ni Ely na kasalukuyan na naka-confine sa Philippine Heart Center.

Hypokalemia raw ang dahilan ng panghihina ni Ely kaya hindi nito natapos ang kanilang reunion concert. Nang isugod si Ely sa Makati Medical Center, nilagyan kaagad siya ng potassium IV na masakit pero kinaya niya.

Ito ang definition ng wikipedia tungkol sa Hypokalemia: Hypokalemia refers to the condition in which the concentration of potassium in the blood is low. The prefix hypo - means low (contrast with hyper-, meaning high). Kal refers to kalium, the Neo-Latin for potassium, and - emia means “in the blood”.

***

Sumunod sa ospital ang media people pero nabigo sila na mainterbyu si Ely. Bukod sa mahina ang resistensya ni Ely para magsalita, hindi pumayag ang kanyang doktor na mainterbyu siya.

Matiyagang naghintay ang mga reporter para sa latest medical bulletin tungkol sa kalagayan ni Ely.

***

Ikinukumpara sa isang telenovela na puno ng twist ang reunion concert ng Eraserheads. Muntik nang hindi matuloy ang show ng grupo dahil nag-back out ang major sponsor, namatay ang nanay ni Ely, dalawang araw bago ang concert at iba pa na mga problema.

Kahit nagluluksa si Ely, nagdesisyon pa rin siya na ituloy ang concert pero nang matuloy ito, kalahati lamang ng show ang natapos dahil bumigay ang kanyang katawan.

Sa estimate ng production staff, umabot sa 40,000 ang mga nanood ng reunion concert ng Eraserheads pero may mga nagsasabi na higit pa sa 40,000 ang bilang ng mga tao na dumating.

Mabilis at maagap ang fans ng Eraserheads. Naka-post kaagad sa Youtube ang mga naganap sa makasaysayan na reunion ng sikat na banda noong dekada ‘90.

Habang naka-confine si Ely sa ospital, nakaburol pa rin ang kanyang ina. Hinihintay pa ang pagdating ng ama ni Ely mula sa ibang bansa kaya hindi pa tiyak ang araw ng libing sa labi ng nanay niya.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section