www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

NABAHIRAN NG LUNGKOT!
Pilit na itinatago sa media ang Eraserheads frontman na si Ely Buendia nang ilabas ito sa Makati Medical Center at isakay sa ambulansya upang ilipat sa Philippine Heart Center sa Quezon City matapos na sumama ang pakiramdam nito habang nasa “reunion concert” na ginanap kamakalawa sa The Fort. (Jasper Barcelon)

P10B MAPUPUNTA SA UMENTO NI GLORIA!
Nina NILO MARASIGAN at ROSE MIRANDA

 

Mahigit 50% ng panukalang salary increase sa mga government workers na nakapaloob sa 2009 national budget na P1.415 trilyon ang mapupunta lamang umano sa umento ng mga government exe­cutives sa pangunguna ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño matapos na pormal na isumite kamakailan ng Malacañang ang proposed 2009 General Appropriation Act (GAA) na P1.415 trilyon para sa susunod na taon, kung saan nakalaan ang P20 bilyon para sa sa­lary increase ng mga government officials at workers.

Ito ay nangangahulugan na aabot sa P10 bilyon ang mapupunta sa salary increase ng mga gov’t officials mula sa P20B na nakalaan sa 2009 GAA.
Itinuturing ng militanteng mambabatas na ‘kapritso’ at ‘self-servin­g’ umano ang naturang panukalang pagtataas ng halos 100% ng buwanang sahod ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna nina Pangulong Arroyo, Vice President Noli De Castro, mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso at mga cabinet members, oras na maaprubahan ang GAA.

Nakasaad din sa nasabing panukalang salar­y increase na ang mga govern­ment rank and file employees ay tatanggap ng 50% increase sa kanilang buwanang sahod.

P3,000 wage hike aksyunan

Imbes na unahin ang sarili, mas nangangaila­ngan aniya ng umento ang may 1.2 milyong rank and file government workers na siyang dapat na iprayoridad ng gobyerno.

“Definitely, kung magtataas man ng salary, unahin ang mga rank and file government workers. Sila ang umaaray sa hirap ng buhay, sila ang mas nangangailangan,” giit pa ni Casiño.

Ayon pa sa solon, nito lamang araw ng Huwebes ay nadiskubre ng mga mambabatas ang nakasi­ngit na probisyon ng panukalang umento sa sahod ng mga government executives sa proposed budget na ipinasa sa Kongreso ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Rolando Andaya Jr.

Ang matagal nang hinihirit na P3,000 across-the-board wage increase ng sektor ng paggawa ang aniya’y marapat na aksyunan ng pamahalaan para matulungan ang mga itong makaagapay sa hirap na estado ng buhay dulot na rin ng walang patid na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na ugat naman ng paglobo ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

Matatandaan na sa pagsusumite ni Andaya ng nasabing national budget, ipinaliwanag nito na magkakaroon ng government-wide pay upgrading sa loob ng apat na taon simula sa susunod na taon hanggang 2012 na magkakahalaga ng P109 bilyon. Ang unang installment ay P20 bilyon at ito’y kasama na sa 2009 national budget.

Gayunpaman, lumitaw ani Casiño, na mas mala­ki pa pala ang magiging pakinabang sa panukalang budget ng DBM ng mga opisyal ng gobyerno.
Napag-alaman na 50% ang itataas sa sahod ng mga government workers.

Umento ipinagtanggol

Samantala, iginiit kahapon ng Malacañang na kulang pa ang kasaluku­yang P60,000 suweldo ni Pangulong Arroyo upang pangtustos sa mga proyekto ng gobyerno kung kaya hindi na umano dapat pang ipagkait dito ang 100% taas-suweldo na nakapaloob sa panukalang P1.4 trilyong 2009 national budget.

Dagdag katwiran pa ni Press Secretary Jesus Dureza, kung tutuusin ay anim na beses pa ngang mas mataas ang suweldo ng mga executives ng private firms kaysa sa Pangulo kaya nagtataka umano siya kung bakit kinukuwestiyon pa ng mga kritiko ang panukalang dagdag sa sahod nito kasama na ang bise-presidente, mga gabinete at mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kuwento ni Dureza, kung tutuusin ay kulang na kulang ang kasaluku­yang suweldo ni Pangulong Arroyo dahil madalas pa itong nagpapaluwal para sa ilang government projects at pantulong sa mga mahihirap.

“Ipagkakait pa ba nila sa Pangulo ‘yan e ang highest paid executive ng isang corporation is being paid six times more, e ang Pa­ngulo natin? I’m sure she is giving more than that in her personal capacity in other project,” ani Dureza.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section