www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Pinay OFW ni-rape slay

(Noel Abuel)


Nanawagan sa pamahalaang Arroyo ang pamilya ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) na umano’y biktima ng panggagahasa at pinatay bago itinago ang bangkay ng sariling amo nito sa bansang Saudi Arabia.


Umiiyak at labis na nalulungkot nang dumulog sa mga mamamahayag ang asawa ng nasabing OFW na si Joy Cabansi Sarto, 28, tubong Echague, Isabela at taga-San Juan, Taytay, Rizal na sinasabing pinatay ng amo nitong Arabo sa Jeddah, Saudi Arabia noong Setyembre 22, taong kasalukuyan.


Ayon sa asawa ng biktimang si Richard Sarto, hindi nito matanggap at ng kanyang anak at pamilya ang sinapit ng asawa sa trabaho nito sa ibang bansa.


Iginiit nito na sa kabila ng paghingi ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay wala pa ring umanong nangyayari kaya humingi na ang mga ito ng tulong sa pamahalaan.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section