Ngayong araw itutuloy ng Sandiganbayan ang naudlot na pagbasa ng sakdal kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo na orihinal na itinakda noong Oktubre 15.
Kaugnay ito ng kasong plunder na umusbong sa diumano’y ilegal na paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahong nakaupo pa ito sa Malacañang.
|