SATURDAY, OCTOBER 25, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Maja, bawal magsalita tungkol sa relasyon kay Gerald!
Ni ROSE GARCIA

Sa tatlong cast ng pelikulang  Status: It’s Complicated ng Regal Films na humarap sa press conference, sinabi ni Maja Salvador na alam na naman daw ng press kung ano talaga ang status niya kaya hinayaan na niyang sina Paulo Avelino at Jake Cuenca ang sumagot sa tanong na kunsaan, pareho raw single ang dalawang Kapamilya actor.


Obviously, “In A Relationship,” si Maja ngayon, pero, hindi niya na sinagot ng diretso kung ano sa mga naging relasyon niya ang puwede niyang sabihin na naging kumplikado talaga.


Aniya, “Lahat naman ng relationship, may nagiging complication naman talaga. Hindi naman din maiiwasan.”


Pero, ipinagtataka ng press kung bakit tila “guwardiyado” raw si Maja ng mga handlers ng Star Magic sa interview. Kung ‘yung isyu lang din naman kay Gerald Anderson at sa nali-link dito na starlet na si Dawn Jimenez, madali naman daw siguro ‘yung sagutin lalo na’t kung wala namang katotohanan.


Wala ngang nakapilit kay Maja na magkuwento o mag-share sa lovelife nila ni Gerald.


Nakangiting sabi niya lang, “We’re okay, very okay.”


“Kilala niyo naman ako, hindi talaga ako nagsasalita sa lovelife ko bilang hindi siya parte ng trabaho ko.

 

Siguro po, tama na po ang sagot ko na very okay.”


Ayaw na rin sagutin ni Maja ang isyu na nagseselos daw siya.


Aniya, “Nasagot ko na po ‘yun. Ayoko na pong sagutin,” nakangiti niyang sagot.


Kahit sa tanong namin kung sa relasyon ba nila ni Gerald, nakaka-experience rin siya ng mga complication, sumagot na ito nang, “hindi big comp---eto naman sasagot naman ako. Ha! Ha! Ha!

 

Wag na! Wala naman, wala naman,” sabay tila-bawi niya.


Maja, happy sa relasyong Sarah-Matteo!


Sa isang banda, ang dating boyfriend na si Matteo Guidicelli ay nali-link naman ngayon at may mga balita na nga kesyo sina Matteo at Sarah Geronimo na. Tinanong namin si Maja kung ano ang reaksiyon niya sa balitang ‘yun.


“Hmmm… dapat ma­ging happy po tayo.”


Happy siya para kina Matteo at Sarah?


“Oo, ‘di ba, ang love, dapat sine-share  ‘yan sa mga taong espesyal sa ‘yo.  Hinahanap ‘yan sa isa’t isa. Spread natin ang love.”


Hindi ba siya nagulat nang malaman niya ang balitang ang ex-boyfriend na raw at si Sarah?


“Hindi, hindi naman po.  ‘Di ba dati, nali-link naman sila.”


Sa pelikulang Status: It’s Complicated naman, natutuwa raw si Maja na nahihiram siya ni Mother Lily Monteverde sa Star Cinema para makagawa ng pelikula sa Regal Films.


“Maliit lang naman po ang mundo namin at happy ako na nahihiram ako ni Mother.”


Kumpara sa ibang cast ng pelikula, siya naman daw sa movie ang may pagka-manang.


“Conservative po ako rito, eh.”




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.0612
Bahrain Dinar 114.224
Canadian Dollar 41.2156
Euro 59.3889
Australian Dollar41.3059
HK Dollar 5.55439
Japan Yen 0.442715
Saudi Riyal 11.4850
S’pore Dollar 34.8055
Taiwan Dollar 1.46603
UAE Dirham 11.7281
UK Pound 69.7642
COLUMNIST OF THE DAY
Si Ping Lacson sa PHILCONSA
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section