|
Pormal nang kinasuhan
sa tanggapan ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo, First Gentleman Mike Arroyo, dating Commission on
Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos at Commission on Higher
Education (Ched) chairman Romulo Neri kaugnay ng usapin sa
kontrobersyal na ZTE.
Ang 20-pahinang
citizen’s complaint ay inihain kahapon sa Ombudsman nina ex-Vice
President Teofisto Guingona Jr., Atty. Harry Roque at ng grupong May
Pag-asa.
Kasong dereliction of
duty, obstruction of justice at entering into a grossly
disadvantageous contract ang isinampa laban kay Arroyo. Bribery at
indirect bribery ang isinampa laban kay Abalos samantalang
dereliction of duty at obstruction of justice naman kay Neri.
Kasong paglabag naman
sa Sec. 5 ng RA 3019 o Graft and Corrupt Practices Act ang
ipinapanagot kay G. Arroyo.
Kahapon ay muling
tumanggi ang Unang Ginoo na humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue
Ribbon committee patungkol sa naunsyaming NBN deal.
"Given the high
risk of my attending, I am therefore compelled to respectfully
decline your invitation," anang bahagi ng sulat ni G. Arroyo
kay committee chairman Sen. Alan Peter Cayetano na may kalakip na
medical certificate ng kanyang doktor.
Samantala, ibinunyag
kahapon ni Bacolod City Rep. Monico Puentebella na isang testigo na
binayaran diumano ng P5 milyon ang ililitaw ng isang anti-GMA solon
upang magbigay ng testimonyang nag-uugnay sa Pangulo sa
kontrobersyal na kontrata.
|