Nagbabala kahapon si Sen. Miriam Defensor-Santiago na posibleng itulak ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pagpapatalsik kay Senate President Juan Ponce Enrile kung patuloy nitong haharangin ang pagpapatibay ng dalawang panukalang batas na isinusulong ng administrasyon.
Ayon kay Santiago, hindi malayong itulak ng Pangulo ang pagsibak kay Enrile kung patuloy itong magiging sagabal sa pagpapatibay ng Reproductive Health (RH) bill at ang revenue generating measure na ‘excise tax’ sa mga tinatawag na ‘sin products’ na alak at sigarilyo.
|