Muling nagkaisa ang mga Filipino, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Mundo dahil sa canonization ng pangalawang Pinoy na santo na si Beato Pedro Calungsod.
Isang malaking karangalan para sa lahing Filipino ang pagkakaroon ng isa pang banal na kababayan na pormal na idedeklara ngayon ng Simbahang Katoliko sa Vatican City. |