MONDAY, OCTOBER 18, 2010 ARCHIVES ABOUT US

SUPERLOTTO 6/49 DRAW
October 17, 2010

34-01-49-03-31-19
P121,208,572.80

9PM SUERTRES 5-5-7

EZ-2 9PM
21-09

 
PUBLIC SERVICE
Gamot sa bigger size
 

Dearest Dr. Holmes:


Una po tanong ko ok po ba magpalagay ng bulitas sa ari ng lalake? or hams... silicon? Wala po ba side effect pag nagpalagay ng ganun at sa patner ko po?


Pangalawa po meron na po ba gamot sa pampalaki ng ari ng lalaki? Ano po ba dapat kong gawin para lumaki ang ari ko? liit lang po ang ari ko pero pag dila ko na po ang tumatrabaho sa patner ko sarap na sarap siya.... pero gusto ko rin po sana magpalaki ng ari at magpalagay ng bulitas kung safe po ba to sakin at sa partner ko po? Liit lang po kasi ang ari ko gusto ko po sana mga 7 ang laki para lalung ok ang sex namin ng patner ko.


God bless sana matulungan nyo po ako bago po ako mag palagay ng bulitas. Nagtatrabaho po ako ngaun sa Saudi... thank u po... ~ROBERT


Dear Robert

Maraming salamat sa sulat mo. Sagutin muna natin ang mas madali. So far, wala pang gamit o exercise ang nadiskubre para pampalaki ng ari ng lalake.


So far, ang isang operasyon lang ang nakakalaki ng ari. Ito ay ginagawa sa pagkuha ng taba (atbp?) sa sariling katawan ng lalake. Mayroon naging mga problema sa iilang nagkaroon ng operasyon na ganito, pero hindi naman gaano. Pero, gaya ng sinabi ng isang sex therapist sa Amerika, si Dr. McAnaulty, hindi pa talagang napag-aralang mabuti ang epekto ng operasyong pampalaki ng ari dahil medyo baguhan pa lang ito.


Ngayon naman, tungkol sa bolitas: Ayon sa mga manggagamot, ang pinakamahalaga sa paglagay ng bolitas ay (1) na may alam ang gumagawa nito; at (2). hygienic at sanitary (malinis) ang mga instrument, blade, atbp na ginagamit.


Halimbawa, marami silang ginamot na mga may bolitas na nagnanana (naging infected). May isa ngang doctor sa isang STD klinik na noon daw ay naglalagay sila ng bolitas, pero yung nakita nila gaanong karami ang na-i-infect, tinigil nalang nila. HINDI lahat ng lalakeng nalagyan ng bolitas ay magkakaroon ng impeksyon, pero mabuti na ring malaman na mataaas ang probabilidad na baka mangyari ito.


Marami na rin akong mga babaeng nakausap tungkol rito. Ang karamihan ay gusto ng tulong iparating sa partner nila na ipatanggal ang kanilang bolitas.


Mayroong mga babaeng walang reklamo sa bolitas ng partner nila pero wala po akong nakausap na babaeng enjoy na enjoy rito. Walang “tumitirik ang mata,” na sinasabi ng iba.


Tingnan mo nalang sana kung ang mga nagsasabi ng maganda ang epekto ng bolitas at walang “ulterior motive” (mayroon silang nakukuha) kung sabihin nila ito sa iyo.


Siguro, Roger, pinakamaigi ay tanungin mo ang partner mo kung palagay niya mage-enejoy siya rito bago ka magpalagay ng bolitas. Sana natulungan kita ng kahit kaunti. Ingat—MG Holmes


Si Dra. Holmes ay sumusulat sakunsa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.3250
Bahrain Dinar 114.905
Euro 60.5597
HK Dollar 5.58521
Japan Yen 0.531921
Saudi Riyal 11.5529
S’pore Dollar 33.4324
Taiwan Dollar 1.41299
UAE Dirham 11.7957
UK Pound 69.2810
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section