www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

PINAKAMAYAYAMAN
Sina shopping mall mogul Henry Sy (kaliwa) ng SM Investments Corp. at Fernando Zobel de Ayala (kanan), chairman of the board ng Ayala Land, sa launching ng isang Ayala-Land-run shopping mall. Si Sy ang tinaguriang ‘richest Pinoy’ ng Forbes magazine sa October 29 issue nito matapos tumabo ng US$1.4 bilyong yaman sa nakalipas na taon. Mula sa pangunang puwesto ay dumausdos naman ang pamilya ni Jaime Zobel de Ayala sa ikatlong puwesto. Ang dalawang pamilya ay nagkakahalaga ng kulang US$5 bilyon (combined). (AFP)

GLORIA SUPALPAL!

Ni ROSE MIRANDA

 

Ipinahiya ng World Bank si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang itatwa nito ang pahayag ng huli kamakalawa na magkakaloob ang nasabing financial institution ng $10 bilyon na standby facility/fund para sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na lulumpuhin ng krisis na dulot ng economic slowdown sa Estados Unidos.


Base sa report, sinabi ni WB East Asia and Paci­fic regional Vice-President Jim Adams na bagama’t handa silang tumulong sa Asean kung saan mi­yem­bro ang Pilipinas, hindi umano ito eksklusibo para lamang sa nasabing rehiyon kundi para sa anumang bansa na kakailanganin ito.


Bilang reaksyon, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Peter Favila sa panayam sa Malacañang na si Finance Sec. Margarito Teves ang source ng balita at nag-ulat kay Pangulong Arroyo hinggil sa standby fund ng WB sa Asean dahil nasa Washington ito at nakiki­pag-usap sa mga WB at International Monetary Fund (IMF) officials.


Nagkataon umanong da­lawang beses nakipagpulong si Teves sa WB officials at naging pabagu-bago ang posisyon ng huli at posibleng doon nagkaroon ng kalituhan, pagtatanggol ni Favila sa kalihim.


Ngunit bago matapos ang araw kahapon ay isang bagong pagtutuwid ang ginawa ni Teves sa isang telephone interview. Inamin nitong nagkamali siya ng pagbibigay ng impormasyon sa Pangulo dahil hindi ang WB kundi ang IMF ang nangako at naglaan ng $10 bil­yong standby fund bilang ayuda sa matatamaang ASEAN countries ng namiminsa­lang krisis pinansyal sa buong mundo.


Ayon sa kalihim, nadiskubre umano niya ang pagkakamaling ito nang rebyuhin niya ang kanyang notes.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section