Nagbabala ang mga "health advocates" na sumusuporta sa mataas na buwis sa sigarilyo at alak na kanilang bubuweltahan sa susunod na eleksyon ang mga senador na pabor sa pag-water down o pagpapahina ng nasabing kontrobersyal na panukala.
"Binabalak ng civil society na dalhin ang isyung ito sa election," pahayag ni Dr. Anthony Leachon, isang internist-cardiologist at consultant ng Department of Health (DOH) matapos itong makipagpulong kahapon kay Sen. Ralph Recto, chairman ng Senate ways and means committee. |