SATURDAY, OCTOBER 15, 2011   ARCHIVES ABOUT US

LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
OPINION
Balita ng bagets
 

Noong high school ako, nakukuha ko ang balita sa dyaryo, radyo at telebisyon. Tumatawag ang lola ko sa paaralan upang tanungin kung suspendido ang klase tuwing may bagyo. Kaya rin siguro hindi ako lumaking mulat sa mga balita noon.

Ang nalalaman ko lang na balita ‘yung mga malalaking isyu na palaging nasa dyaryo at telebisyon.


Nag-aabang kami sa isang channel sa TV tungkol sa mga flight schedule tuwing may aalis o uuwi na kamag-anak mula sa ibang bansa. Kapag may pupuntahang lugar, nagbabakasali ang mga driver kung saan dadaan upang maiwasan ang traffic. Malipas ang ilang taon, nagkaroon ng traffic updates sa radyo. Pero kailangan mo pa ring abangan sa radyo at kung nagmamadali ka, minsan hindi mo na naaabutan o ‘di kaya’y nasa traffic ka na kapag narinig mo ang traffic update.


Ngayon, madali na lang makakuha ng balita lalo na sa mga bata. Halos lahat ng mga news agencies ay may Twitter account na, kung saan nag-uupdate sila ng balita (in 140 characters or less). Sa panahon ngayon na usong-uso ang smartphones, ‘di mo na kaila­ngan ng TV o radyo para malaman ang mga nangyayari sa mga presscon at iba pang mahahalagang kaganapan. Tingnan mo na lang ang iyong Twitter o Facebook sa cellphone at malalaman mo na ang nangyayari sa mundo at sa Pilipinas.


Isa sa mga pinakamagandang nangyayari ngayon sa pamahalaan ang pagkakaroon ng Facebook at Twitter accounts ng mga government agencies. Salamat sa Internet at sa makabagong teknolohiya, madali nang malalaman ng mga estudyante tungkol sa kanselasyon ng klase, salamat sa @dost_pagasa Twitter account ng PAGASA na nagbibigay ng mga updates tungkol sa panahon lalo na tuwing may bagyo. Nariyan din ang @DepEd_PH ng Department of Education na nag-aanounce kung may pasok o wala.


Syempre, hindi magpapahuli ang @govph, ang “Official Gazette of the Republic of the Phi­lippines,” na nag-uupdate ng mga balita tungkol sa ating gobyerno. May @DSWDserve ng Department of Social Welfare and Development, @helpDOT ng Department of Tourism, at marami pang ibang ahensya ng pamahalaan na gumagamit ng social media upang maparating sa mas maraming tao ang mga balita.
Ngunit sikat na sikat pa rin ang MMDA sa kanilang real time traffic updates sa Twitter (@MMDA), sa kanilang website (mmda.gov.ph) at ang kanilang bagong proyekto, ang MMDA Traffic Navigator iPad App. Natuwa ako sa kanilang app, kung saan sa isang click ko lang, makikita ko na kung saan traffic sa mga major highways sa Metro Manila. Bukod pa roon, nakalagay din ang mga bagay na dapat kong malaman bilang driver sa Maynila tulad ng “What To Do Du­ring Vehicular Accidents,” “10 Things That Drivers Should Know,” “Number Coding Rules,” at listahan ng traffic violations and penalties para kung sakaling mahuli akong lumalabag sa batas at sabihin ng MMDA Traffic Enforcer na ganito ang dapat kong gawin, malalaman ko kung tama ba ang sinasabi nila. Marami ring natutuwa na sumasagot ang MMDA Twitter account sa mga tanong ng motorista tungkol sa traffic situation kung saan man sila sa Maynila na nasasakupan ng MMDA.


Mabuti na lamang at ginagamit ng gobyerno ang mga paraang ito upang maipahiwatig sa mga Filipino ang mga nangyayari sa bayan. Dahil rin sa social media networks, maaari rin silang makatanggap ng feedback mula sa taongbayan kung may mga mungkahi sila upang mapabuti ang ahensya at dahil rin sa Twitter at Facebook, mas maraming kabataan ang makakakuha ng balita at magiging mulat sa mga nangyayari sa bansa at maaari silang maging bahagi ng pamamalakad ng pamahalaan.


Para sa inyong mga komento, mag-text lamang sa 0919-957-5 444.


LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.3580
Bahrain Dinar 114.966
Euro 59.8480
HK Dollar 5.57338
Japan Yen 0.563249
Saudi Riyal 11.5587
S’pore Dollar 34.1976
Taiwan Dollar 1.43155
UAE Dirham 11.8021
UK Pound 68.4372
COLUMNIST OF THE DAY
Balita ng bagets
 
Custom Search
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section