www.abante-tonite.com
 
 
 

Simon Atkins, lakas-tama kay Iza Calzado!

 

UMINGAY ang pangalang Simon Atkins nang i-link siya kay Rhian Ramos sa Internet. Pero, agad ding itinanggi ni Rhian na may relasyon sila ni Simon.


Sabi ni Rhian, high school friend lang niya ang basketball player ng De La Salle College at matagal nang hindi nakikita.


Kaya nu’ng debut ni Rhian sa Manila Peninsula Hotel, ikinagulat ang presence ni Simon.


Sa pamamagitan ni Noel Ferrer ng GMA, nagkaroon kami ng chance na makausap si Simon sa isang event sa SM North EDSA last Sunday.


Isang simpleng Simon ang nakaharap namin sa isang lugar sa mall bago siya pumunta sa activity center. Maong pants, rubber shoes at green shirt na may tatak na “Taft Guys Wear Green” ang get up niya.
Bukod sa pagiging mestiso, ang tinatawag na “goatee” sa baba niya ang agad na mapapansin sa kanya. But there’s more to him habang inaalam namin ang ilang impormasyon sa kanya.


Half-Pinoy, half-Bri­tish ang 20 years old na si Simon at may height na 5’11”. Housewife ang mother niyang Pinay at writer ang father niyang British. Tatlo silang magkakapatid at pinagitnaan siya ng dalawang babae.


Nasa third year na siya ng kursong Psychology sa La Salle pero second year na niya bilang pla­yer ng team sa UAAP sanhi ng suspension ng school sa liga.


Although nagiging byword na ang name niya sa team ng La Salle dahil sa tapang nito sa court, ang makatapos ng pag-aaral ang unang ambisyon ni Simon.


“Ang makatapos ang una kong gusto. ‘Pag may PBA, sige, try ko. Gusto ko kasing maging gui­dance counselor ng mga high school students sa La Salle-Zobel.


“Nu’ng nandoon pa po ako, malaking tulong ang mga guidance counselor sa mga high school students,” say ni Simon.


Aksidente rin lang ang pagkakakuha sa kanya bilang basketball player.


“Soccer player kasi ako sa Zobel nu’ng high school. Eh, isinali ako ng mga friends ko sa mga liga ng basketball sa village namin, may nakakita sa akin, kaya tinanong ako kung gusto kong mag-basketball. Kaya nakuha naman ako’t naging player sa Zobel ng basketball,” kuwento niya.


Marami nga ang bilib sa pagiging matapang niya sa loob ng basketball kapag naglalaro. Pero pagdating sa babae, kulang siya sa tapang lalo na kapag gusto niya.


“Torpe po ako, eh! Ha! Ha! Ha! ‘Pag gusto ko ang babae, hindi ko siya makausap. Takot kasi akong makagawa ng mali kaya ‘pag gusto ko ang babae, tahimik lang ako! Natu-torpe talaga ako. Sobra! Hindi na lang ako nagsasalita.


“Hindi po kasi ako plastic, eh. Kung ano ang gusto kong sabihin, sinasabi ko. Wala naman akong magagawa kung may masabi ang ibang tao sa akin.”


Ano ba ang una niyang nagugustuhan sa isang babae?


“‘Yung personality niya. Hindi mas­yado sa physical.


“‘Pag may gusto akong babae, merong something special na nararamdaman ako. Hindi ko ma-explain kung ano ‘yon.


“Before, mga tsinita madalas ang nagugustuhan ko.”


Nakailang girlfriends na ba siya?


“Konti pa lang po! Ha! Ha! Ha!” sagot niya.


Eh, ikaw daw ang heartthrob ng team ng La Salle, huh!


“Hindi po totoo ‘yon! Ma­raming heartthrob sa La Salle!


“Ang pinaka-chickboy sa team namin, ‘yung roo­kie na si LA Revilla!

Ma­galing po sa babae ‘yon!” pa­g­bubuking niya.


Eh, paano niya hina-handle ‘yung mga girls na nagsu-swoon sa kanya?


“Parang friends ko na rin po sila! I’m open to them naman as friends.

Minsan, may nag-a-ask ng kiss! Umaayaw po ako! Ha! Ha! Ha!” sey ni Simon.


Ano ba ang nagustuhan mo kay Rhian?


“‘Yung pagka-kalog niya! Parang ‘pag kasama mo siya, walang pressure. Fun lang talaga. As in super masaya. Bihira lang ‘yon sa mga girls sa showbiz, I think, huh!


“Sa showbiz kasi, ‘pag pagod na sila, masungit. Si Rhian, kahit pagod siya, hyper pa rin. Masaya! Ha! Ha! Ha!”


Kung sakaling papasok siya sa showbiz, sino ang gusto niyang makapareha? At sino naman ang crush niya sa mga female stars?


“Ang pinaka-crush ko talaga si Iza Calzado, kasi sobrang bait niya. Na-meet ko na siya two times. Akala ko hindi na niya ako makikilala nu’ng nag-meet uli kami. Normal lang na after ng first meeting mo sa isang artista, hindi ka na kilala sa next meeting ninyo dahil sa dami ng nakikilala.


“Pero naalala niya ako nu’ng sa debut ni Rhian. Tinawag niya ako kaya tuwang-tuwa ako,” kuwento ni Simon.


So, type niyang makapareha si Iza.


“Sure po. Dream come true ‘yon! Makasama ko lang siya ng thirty minutes, masaya na ako! Ha! Ha! Ha!” sagot niya.


Eh, may boyfriend na si Iza, huh!


“Ako ‘yung pang-apat na nakalinya sa kanyang magiging boyfriend! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi na lang ni Simon.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section