Hindi itinago nina Health Sec. Enrique Ona at dating kalihim ng naturang kagawaran at ex-Sen. Juan Flavier ang sobrang pagkadismaya sa Sin Tax bill na bersyon ng Senado na iprinisenta ni Sen. Ralph Recto, chairman ng Senate committee on ways and means.
Binigyang-diin kapwa ng mga health department chiefs na maling-mali si Recto nang isipin nito na kita ng gobyerno ang hinahabol ng panukala dahil ang katotohanan ay nakatuon sa isyung pangkalusugan ang kabuuan nito at kung bakit ito itinutulak ng pamahalaan bilang isang batas. |