GABAY NG DIYOS

Sedisyon vs Rizal mayor
Ni Irwin Corpuz

 

Pinaboran ng Prosecutor’s Office ng Rizal ang pagsasampa ng kasong sedisyon laban kay Rodriguez (dating Montalban) Mayor Pedro Cuerpo.


Ang asunto ay isinulong ni Rodriguez Vice Mayor Jonas Cruz kaugnay ng puwersahang pag-okupa ng alkalde sa Rodriguez Municipal Hall bilang pagtutol sa iginawad sa kanyang suspensyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal.


Si Cuerpo ay sinuspinde noong Marso 24 ng taong ito sa kontrober­syal na sanitary landfill. Ngunit sa halip na yumuko sa pasya ng Sangguniang Panlalawigan ay tumanggi itong umalis sa kanyang opisina at ilang araw na nanatili roon bilang protesta sa naturang hatol sa kanya.


Sa desisyon ng Prosecutor’s Office na pumapabor sa kasong isinampa ng bise-alkalde, sinabi rito na ang puwersa­hang pag-o­kupa ng alkalde sa kanyang opisina sa Municipal Hall ay hindi maikakategor­yang ‘peaceful protest’.


“This development should convey to all that no public official is above the law, that all conflicts must be resolved within the supreme boundaries,”

reaksyon ni Cruz sa pasya ng piskalya.


Nitong nagdaang linggo ay pormal na nagsampa ng kaso si Cruz sa San Mateo Regional Trial Court ng kasong sedisyon laban kay Cuerpo, mga konsehal na sina Alberto Ca­rasco, Aileen Quien Fernandez, Romelito Bunag, Richard Buizon at Salvador Simbulan Sr. dahil sa ginawa ng mga itong puwersahang pag-okupa ng kanilang Municipal Hall kung kaya nabalam ang serbisyong dapat na maipagkaloob ng kanilang lokal na pamahaaan para sa panga­ngailangan ng mga consti­tuents.


Sa panig ni Cuerpo, igi­niit nito na isang malinaw na ‘harassment’ ang pag-usad ng kaso laban sa kanya makaraang manindigan ang buong ba­yan ng Rodriguez laban sa aksyon ng Rizal provincial government na patuloy na tanggapin ang basura ng Metro Manila sa 19-ektaryang provincial sanitary landfill na naka­tirik sa kanilang bayan.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section