SA
nagtatanong sa akin kung totoong hiwalay na sina Sharon Cuneta at
Senador Kiko - my lips are sealed!
Hindi ko po alam! Wala po akong alam! At kung
may alam man ako, hindi sa akin manggagaling ang balita na
magmumukhang rejoicing.
Pareho kong kaibigan ang dalawa. At pareho silang close sa puso
ko. Sori po!
Ang dapat tanungin diyan ay si Judy Ann
Santos. Idol niya ang Ate Shawie niya. So, I’m sure, alam
niya ang buong kasaysayan.
Babu!
May nag-text din sa amin na kinukumpirma ang nasulat na namin dito
tungkol sa autobiography ni Rustom Padilla na isasapelikula niya.
Binayaran daw siya ng nakarelasyon niyang aktor na nakiusap pa raw
na saka na lang gawin ni Rustom ‘yun ‘pag laos na ang
aktor at baka gampanan pa niya mismo ‘yung sarili niya!
Ang aktor din kaya ang magpi-finance o magsososyo ang dalawang
bading?
***
Sinabi namin sa ABS-CBN executive na mas okey ang looks ngayon ni
Gerald Anderson, kasi napansin ko na siya kasi mukha na siyang lalake
ngayon dahil sa balbas at bigote na pinatubo niya. May dating na
siya, may libog na ang hitsura.
Unlike before na clean-cut ang image niya na mas maganda pa
siya kay Kim Chiu.
Kaiba naman kay Sam Milby na nung magpatubo ng balbas ay nagmukhang
marumi at mukha ng bum like his manager!
***
Sayang naman si Bruce Quebral at namaalam na pala sa showbiz at
ngayon ay steward na sa Emirates. Mabuti naman at hindi
tumulad si Bruce sa ibang walang mga utak at mga tamad who keeps
on lingering around gayung wala namang pag-asang sumikat.
Doon na siya sa sigurado ang kita at suweldo. Naku, makabiyahe
nga uli sa Dubai at Abu Dhabi para masilbihan kami ni Bruce ng dinner
namin!
Parang si Rustom Padilla noon na steward ng PAL at tagabigay lang
ng kape ko. Eh, dapat pala noon pa ay stewardess na ang inaplayan
ni Rustom, noh!
Sana isinama na lang ni Bruce ang syota niyang si Wendy Valdez (sounds
like Medy Valdes, Chiquito’s daughter?) dahil wala ring progress
ang career niya. Napaaway pa si Wendy kay Edu Manzano nung maglaro
ito sa Game KNB? dahil kinulang daw ng dalawang letra si Wendy sa
sagot niya sa tanong ni Edu.
Well, I have proven na tama si Edu na kinulang ng letra si Wendy
sa sagot niya. Kasi nung interbyuhin siya sa “The Buzz”,
eh umiiyak siyang inisplika niya ang namagitan sa kanila ni Edu
at sa mga nanghuhusga sa kanya.
Ani ni Wendy habang umiiyak: “Di niyo po ako lubos na kila
(for kilala, na-shorten to kila na lang, nagkulang din ng dalawang
letra na la...para maging kilala). Eh, bakit naman laging dalawang
letra ang kulang kay Wendy?
Kasi taga-2 siya, debah?
|