www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Bus tumagilid; 6 sugatan
(Lily Reyes)

 

Anim katao ang nasugatan makaraang tumagilid ang isang bus sa North bound lane ng North Luzon Expressway kahapon ng hapon.


Ayon sa traffic control room ng NLEX ang insidente ay naganap pasado alas-dos ng hapon kahapon nang tumagilid ang German Espiritu Bus sa lane 15 malapit sa Balin­tawak Toll Plaza.


Lumalabas na hindi umano gumana ang preno ng bus kaya ito tumagilid.
Sinabi naman ni Elmer Dapiles, E. R. Supervisor ng Sta. Clara De Monte­falco Hospital, minor injury lamang ang tama ng limang pasahero maliban sa isang matandang babae na nagtamo ng laceration sa siko.


Agad namang isina­sa-ayos ng mga kagawad ng NLEX ang naka­balandrang bus sa may Balintawak Toll Plaza area upang hindi na makasagabal pa sa trapiko.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section