Daan-daang plastic sachet ng shabu at marijuana
ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management & Penology
(BJMP) sa sorpresang inspection ng mga selda sa loob ng Quezon City
Jail kahapon.
Ang “operation greyhound” ng QC Jail ay pinamunuan ng
bagong upong Jail Warden na si Supt. Emilio Culang, Jr.
Ayon kay Supt. Culang humigit kumulang sa 200 plastic sachet ng
shabu at marijuana ang kanilang nakumpiska mula sa dalawang selda
pa lang 70 piraso ng iba’t-ibang unit ng cellphone at
iba’t-ibang uri rin ng mga patalim ang nakuha.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga nakumpiskang droga,
cellphone at mga patalim sa sandaling matapos
na ang kanilang isinagawang operasyon sa loob ng nasabing piitan.
Labis ding ipinagtaka ni Supt. Culang kung paanong nakapasok sa
loob ang mga cellphone, droga lalo na ang mga patalim gayung napaka-higpit
umano ang ipinatutupad na inspection sa mga dalaw.
|