www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

BODEGA GANG BUMIRA MULI!

Nina Erika Maala at Aries Cano

 

Sinalakay ng 15-armadong kalalakihan at kinulimbat ang mahigit sa kala­hating milyong pisong halaga ng pera at kaga­mitan sa isang na bodega na nagsisilbing refilling station ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Pa­say City kahapon ng mada­ling-araw.


Sa nakalap na impormasyon, pinasok ng mga suspek ang Island Gas Refilling Station na matatagpuan sa 2933 Apelo Cruz St., sa Pasay City dakong alas-12:00 ng hatinggabi.


Maging ang ta­­t­long tsuper ng taxi na kinabibila­ngan nila Elias Olores; Alejandro Tuge at Joel Cartagena na noo’y nagpapakarga ng LPG ay nabiktima rin ng mga kawatan.


Nakatakip ang bibig ng dalawa sa mga suspek at armado umano ng M-16, Uzi at iba pang matataas na kalibre ng baril ang mga suspek na lulan ng kulay gray na To­yota Revo at isang kulay berdeng Mitsubishi Adven­ture na pawang hindi na naplakahan.


Umakto umano ang mga suspek na kunwa’y magpapakarga ng LPG sa kanilang sasakyan.


Pinagbuksan naman umano ng gate ng sekyung si Michael Rivera para makapasok ang dalawang sasakyan habang nakamasid ang isa pang sekyu na si Rocky Raz.


Nang makapuslit papasok sa compound ng refilling station ang mga suspek ay agad na dinisarmahan ang dalawang security guard saka nagdeklara ng holdap at tinutukan ang namamahala sa kaha na sina Bernie Loterte at Catherine Toledo.
Halos dalawampung minuto rin umano ang iti­nagal ng holdap.


Upang hindi masundan kinuha rin ng mga suspek ang mga susi ng minamanehong taxi ng mga tsuper.


Base sa imbestigasyon nina SPO1 Joel Landicho at PO3 Alberto Barangas, Jr. ng Station Investigation ang Detective Ma­nagement Section (SIDMS) ng Pasay City police, ginamitan pa ng sledge hammer ng mga suspect ang vault upang mabuksan at makuha ang P675,000 na maghapong kita ng nasabing gas company kabilang din ang cellphone at kinita ng mga tsuper na nasa P682,600 ang kabuuang kuwenta.


Kaakibat nito, patuloy ang imbestigasyon ng pu­lis­ya at sinisilip ang posibilidad na ang grupo ang siya ring responsable sa serye ng pag-atake sa malalaking bodega o warehouse sa Metro Manila dahil sa magkakaparehong istilo ng ope­rasyon.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section