Nakakuha na ng P20 bilyon ang Manila Electric Company (Meralco) bilang bill deposit na kanilang kinolekta sa mga milyong konsumer nang hindi nalalaman ng mismong mga konsumer.
Ayon ito kay Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño, subalit tila hindi pa umano kuntento ang Meralco at hanggang ngayon ay paulit-ulit pang kumukolekta ng illegal fee na ito. |