WEDNESDAY, OCTOBER 12, 2011   ARCHIVES ABOUT US

LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ISTAYL
Sobrang tulog, nakakapurol ng isip
 
 

Isa sa problema ng ordinaryong Juan de la Cruz: kakulangan sa tulog.


Para kasi makaiwas sa impyerno ng mga daan sa kalakhang Maynila, kailangang gumising ng maaga at bumiyahe bago makasabay ang ibang biyahero ng lungsod. Pero paano naman ito gagawin kung sa TV lang gabi-gabi ay sina Dyesebel at si Kuya at ang daming bagong DVD na uwi ng iyong panganay?


Kaya ang madalas na solusyon: sumulot ng idlip sa opisina.


May problema nga lang pag ang mga wala-sa-oras na siestang ito ay naging habit na at ang nagiging kabuuang tulog mo ay higit na sa pito o walo kada araw.


“Problema ba yun?,” maaari mong tanong.


Hindi lang problema iyon, ayon sa mga doktor, kundi isang nang sakit na kung tawagin ay hypersomnia.


Ang hypersomnia ay isang kundisyon kung saan sobra-sobra na ang itinutulog ng isang tao lalo na kapag umaga. Hindi lang siya isang simpleng kaso ng pagiging Juan Tamad; ang mga taong may hypersomnia ay nawawalan ng ganang kumain, pumupurol ang memorya, humihina ang paningin at pandinig, at nagsisimulang makakita ng mga ilusyon.


Samantala, dokumentado na ng lahat ang naidudulot ng kakulangan sa tulog. Nariyan ang pagiging iritable, panghihina, kahirapan sa pag-iisip at pagdedesisyon at pati na ang depression o sobrang kalungkutan.


Gayunpaman, mistula pa palang mas malala ang masobrahan sa pagpapahinga. Bukod sa mga naunang nabanggit na mga sintomas kanina, ang hypersomnia ay nakakababa rin ng social skills ng isang tao, permanenteng nakakapagpalabo ng isip, at nagdudulot ng palagiang pagkapagod kahit pa nakatulog na. At napag-alaman din na karamihan ng may hypersomnia ay may sakit din sa puso.


Pwede pa rin namang sumubaybay sa paboritong telenobela. Subalit, hindi dapat isakripisyo ang tamang pagtulog, dahil kapag ang katawan mo ang bumawi ng kailangan nito sa pamamagitan ng sobrang pag-idlip (at tuloy ay hypersomnia), ingat ka na at baka maski ang pambatang Dora the Explorer ay di mo na maintindihan.

 

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.2700
Bahrain Dinar 114.756
Euro 59.0759
HK Dollar 5.56063
Japan Yen 0.564264
Saudi Riyal 11.5374
S’pore Dollar 33.8623
Taiwan Dollar 1.42781
UAE Dirham 11.7799
UK Pound 67.6513
COLUMNIST OF THE DAY
Nawawalang pork barrel
 
Custom Search
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section