Kinumpirma kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na maniningil na sila ng bill deposit na katumbas ang isang buwang ‘average consumption’ na advance payment mula sa milyun-milyon nilang konsumer.
Pero hirit nito, hindi na umano bago ang ganitong sistema ng pagpopondo ng 1-month deposit dahil matagal na itong ginagawa ng mga kooperatiba at distribution companies. |