Inirekomenda ng National Police Commission (Napolcom) sa Philippine National Police (PNP) ang madaliang pagsibak sa 387 bagong pulis matapos madiskubre ang pagkakasangkot ng mga ito sa dayaan sa 2011 PNP entrance examinations.
Sa isang memorandum na ipinadala ni Rebecca Pacion, acting head ng Examination Division ng Napolcom na pirmado ni vice chairman Eduardo Escueta kay PNP chief Director General Nicanor Bartolome, binigyan nito ng 30 araw upang sibakin ang mga bagong pulis na kasalukuyang sumasailalim umano sa pagsasanay. |