Hindi lang netizens ang dapat mangilag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kundi maging ang cellphone users dahil puwede rin silang makasuhan sa pag-send ng text at phone calls.
Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño, nalalagay sa alanganin ang text at tawag sa cellphones dahil sa probisyon sa Section 3(c) na sumasakop sa pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng ICT media, kabilang ang voice, video at iba pang uri ng data.
|