|
At humirit pa nga ang
Ateneo Blue Eagles, matapos manalo sa mortal na kalabang La Salle
Green Archers, 65-64. Si Chris Tiu ang nanguna sa tropa ni coach
Norman Black at bukas ang muling paghaharap ng dalawang koponan sa
Big Dome.
Kung punum-puno ang
Araneta Coliseum noong Huwebes, siguradong mas mapupuno ang venue,
dahil do-or-die ang labanan.
Makabawi kaya ang La
Salle? Bale ba, 3-1 ang one-on-one battle ng dalawa at pabor ito sa
Ateneo.
Kung muling mananalo
ang Ateneo, sila na ang haharap sa nagpapahinga at naghihintay na UE
Red Warriors sa kampeonato.
May the best team
win!
***
Sa pagbubukas ng 33rd
season ng PBA sa Oktubre 14, pambungad na laro ang San Miguel Beer
kontra Air21 Express. Pero bago magsimula ang laro ay may konting
entertainment na pagpasigla sa mga manonood, na pangungunahan nina
Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga.
Posibleng kwela
talaga ang pagbubukas ng 2007-2008 All-Filipino Conference. Matapos
ang pampasiglang bilang nina Jose at Wally, isusunod ang pormal na
opening ceremonies, kung saan paparada ang naggagandang muse ng
bawat koponan.
Aling team kaya ang
kukuha kay Ms. Marian ‘Marimar’ Rivera bilang muse?
Marami kasing nag-aabang
sa magandang dilag, kaya abangan natin kung aling koponan ang
mapalad.
***
Isa lamang ang San
Beda College sa may koleksiyon ng maraming championship trophy sa
NCAA basketball. Actually, may 13 seniors crown ang Red Lions.
Nangunguna ang Letran na may 15, kasunod ang dating miyembrong
Ateneo (14).
Para kay San Beda
rookie coach Frankie Lim, ang kampeonato ang nagsisibling pagtanaw
niya ng utang na loob sa kanyang alma-mater.
Sumandal si Lim sa
kanyang malalim na bench sa pangunguna ni incoming pro Yousif
Aljamal, Sam Ekwe, Pong Escobal Borgie Hermida, Riedo Gamalinda,
Raymund Maggay at ang baguhang si Dave Marcelo, na siyang nahirang
na Rookie of the Year.
***
Greetings:
Congratulations sa ‘Sign Cutter Salon’ na nagbukas kahapon.
Thanks sa may-ari na si Mrs. Pura Cachuela, na nag-invite sa inyong
lingkod para mag-cut ng ribbon sa opening ng naturang salon. Ito ay
matatagpuan sa 1220 Barlin St. Sampaloc, Mla. malapit ito sa UST.
Goodluck po. |