|
Tatangkain ni Eden
Sonsona, reigning Philippine super flyweight champion, na mahablot
ang bakanteng korona ng Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF)
sa kanyang pagsagupa kay Japanese Kohei Kono ngayon (Sabado) sa
Korakuen Hall sa Tokyo.
Ang 18-anyos na si
Sonsona, mula sa Bola, Gen. Santos City, at may record na 12-1 (2
KO), ay matagal nang hinihintay ang pagkakataong mapalaban sa OPBF,
matapos balewalain noong nakaraang Disyembre, nang paglabanan ng
isang Japanese at Thai fighters ang titulo sa isang elimination. Ito’y
sa kabila nang si Sonsona ang No. 1 contender.
Natupad lamang ang
pangarap ni Sonsona na mapalaban sa naturang titulo, nang bitawan
ito ng Japanese para lumaban sa world championship, may dalawang
buwan na ang nakararaan.
Bago lumipad
patungong Japan noong Oktubre 3, nangako si Sonsona, kasama ang
amang si Boy, na siya rin niyang trainer, ay nangakong iuuwi ang
korona bilang maagang regalo sa kanyang sarili. Magdiriwang siya ng
ika-19 kaarawan sa Disyembre 27. |