Back-to-back win si So

 

Nananatili pa ring walang bahid ng talo si RP International Master at No.14 seed Wesley So nang lagpasan si No. 37 Krzysztof Bulski ng Poland para sa kanyang ikalawang sunod na panalo at makisosyo sa liderato kasama ang 11 iba pa matapos ang second round ng 2007 World Juniors and Girls Chess Championships sa T. Petrosian Chess House sa Yerevan, Armenia noong Huwebes.

Sunod na makakatapat ni So si No. 63 Tigran Mamikonian ng Armenia, na galing mula sa upset wins kontra No.20 IM Sebastian Feller ng France.

Kasama sa mga woodpushers na may 2.0 points sina top seed GM Wang Hao ng China, No.3 GM Maxim Rodshtein ng Israel, No.5 Gawain C.B. Jones ng England, No. 12 GM Arman Pashikiran ng Armenia, No.15 GM David Howell ng England, No. 16 IM Narayanan Gopal ng India, No.17 IM Evgeny Romanov ng Russia, No. 18 GM Parimarjan Negi ng India, No.24 IM Gogineni Rohit ng India, at No. 31 IM Sasha Kaplan ng Israel.

Samantala, nakabalik naman sa kontensyon si Pinay Woman National Master Aices Salvador nang patiklupin niya si Ghazal Hakimifard ng Iran sa distaff side.

Ang solo champion, sa boy’s and girl’s 20 and under division ay mapagkakalooban ng outright grandmaster (GM) at woman grandmaster (WGM) title, ayon sa pagkakasunod.

<BACK