ADS 

Martin, ayaw makipagbati kay Pops?

(REY PUMALOY)

NAGSINUNGALING ba sa akin ang manager ni Pops Fernandez na si Arnold Vegafria? Itinago ba niya sa akin ang tunay na nangyari kina Pops at Martin Nievera?

Anyway, nang makausap ko si Arnold, sinabi niya sa akin na wala naman talagang samaan ng loob sina Pops at Martin, matapos lumabas ang interview ni Pops sa Yes! Magazine kamakailan.

Sabi pa ni Arnold, wala raw isyu sa pagitan nina Pops at Martin. Sabi pa nga ni Arnold, gusto ni Martin na mag-guest sa concert ni Pops na Diva-Licious, kung si Pops mismo ang mag-iimbita sa kanya.

Say pa ni Arnold, parang naghihintay lang si Martin na mag-usap sila ni Pops, at okey na ang lahat. Tiniyak pa nga sa akin ni Arnold na wala talagang intriga sa dalawa.

Sabi pa rin ni Arnold, wala namang maselan o kadema-demanda sa mga pinagsasabi ni Pops sa interview niya sa magazine.

Pakiusap pa nga ni Arnold, mas maganda kung patahimikin na lang ang isyu para mas mag-benefit ang dalawa sa kanilang career.

Sa kuwento sa amin ng isang kaibigan ni Martin, inamin nito na masamang-masama ang loob ni Martin kay Pops.

Anyway, naiintindihan namin kung gustong pagtakpan ni Arnold ang away nina Pops at Martin. Gusto lang siguro niya na huwag na ring lumala ang problema.

Naniniwala nga si Arnold na maayos din sa lalong madaling panahon ang problema nina Marin at Pops kung walang makikialam.

Pero sa tingin ko, malabong mangyari na magkaayos ang dalawa bago ang concert ni Pops, lalo na kung ang mga kuwento ng kaibigan ni Martin ang pagbabasehan. Sa himig ng kuwento nila, ayaw pang makipagbati ni Martin kay Pops.

<BACK